Chapter Thirteen

1.2K 49 13
                                    



A/N: Maraming salamat nga pala sa lahat ng bumati noong birthday ko. :)

May music nga pala to. (Isang Tanong, Isang Sagot by Donna Cruz)


Chapter Thirteen

"Can I keep you forever?"

Makalipas ang ilang segundo ay kumawala na din siya sa pagkakayakap sa akin.

"Magpahinga ka na, ineng. Pumasok ka na sa loob," utos niya.

Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos ay iniikot niya ako paharap sa gate at inihatid sa pinto ng bahay namin. Ako naman si gaga, parang robot na kusa na lang sumunod sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay namin. Narinig ko na lang ang pagsara niya ng gate.

So yun na yon? Hindi man lang niya ako binigyan ng chance na sumagot sa tanong niya?!

Wala nga sigurong forever.

Nabigla lang ba siya sa sinabi niya? Hindi ba siya seryoso dun? Hinintay ko siya para masagot ang tanong ko hindi para madagdagan ang mga yon.

Ineng? Ano ako, bata?

Pero ang sweet pa din.

Kahit dinagdagan ni Chase ang tanong sa utak ko, mas nangibabaw ang yakap niya kanina. Sa totoo lang natakot din ako kanina na baka hindi ko magustuhan ang isasagot niya kapag tinanong ko siya. Natatakot ako na baka bigla siyang mawala sa akin kapag wala lang pala sa kanya ang lahat ng ito. Ah, bahala na. Ieenjoy ko na lang muna kung anong meron kami ngayon.

Nakahiga na ako at nakatingin sa kisame ng kwarto ko nang tumunog ang cellphone ko. I received a new message from Chase. Ah, nakalimutan ko nga palang ibalik ang hoodie niya.

Chase: Goodnight, Ineng.

Hindi ko na itinago ang kilig ko. Abot hanggang tenga ang ngiti ko at nireplyan ko siya. Kinakarir niya ang 'Ineng' ha. Di ako magpapatalo.

Me: Goodnight, Iho.

Lakas maka-bata talaga. Pumikit na ako nang tumunog ulit ang phone ko.

Chase: Iho? I like it. Go to sleep, Ineng.

Hindi na ako nagreply pa at tuluyan na akong natulog.

Nang dumating ang Monday, mas maaga akong dumating sa school kay Chloe. Nagreview muna ako dahil may exams kami.

Nang matapos akong magreview, hindi pa din dumadating si Chloe. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko para itext siya. I received a good morning message from Chase. Muntik ko na ngang palitan ang pangalan niya sa phone ko pero hindi na muna siguro. Mamaya mabasa pa ni Chloe sigurado sunod-sunod na naman ang tanong niya at kakailanganin kong iexplain ang history ng 'Ineng' at 'Iho' namin ni Chase.

Dumating si Chloe bago ko pa ma-isend sa kanya ang text ko. Gusot ang mukha niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at padabog niyang ibinaba ang bag niya sa upuan niya.

Tumango siya at sumagot. "Medyo nagkatampuhan lang kami ni Kian kagabi."

Umupo na siya sa tabi ko.

Nang matapos ang klase ay saka ko lang nacheck ulit ang phone ko. Ilang exams din yon kaya naman feeling ko pagod na pagod ako.

Chase: Meet me at the swimming pool area.

Dali-dali akong tumayo at lumabas ng classroom.

"Hoy! San ka pupunta?" habol ni Chloe.

I mouthed 'Chase', then she smiled.

Pagkadating ko sa may swimming pool area ng school ay nakita ko agad siya na nakaupo sa lounge chair. Nakasuot siya ng jersey na katulad ng binigay niya sa akin para sa kuya ko. Kitang kita ko ang ngiti niya habang papalapit ako. Tumingin ako sa paligid ko at napansin kong kami lang dalawa ang tao dito.

Tumayo siya at niyakap ako.

"How's your day?" tanong niya.

I smiled.

Naninibago ako sa mga nangyayari. Parang kailan lang naman eh walang nagtatanong saken ng mga ganyang tanong tapos ngayon meron na at si Chase pa!

"Medyo pagod, ang dami ko kasing tinake na exams," sagot ko habang inaamoy ang pabango niya.

I felt his lips on my hair. Nanatili kami sa ganoong posisyon.

"Ikaw?"

"Exhausted. Nagbasketball kasi kami buong araw but now I feel more alive because I have you in my arms."

This time I felt his lips on my forehead.

Tinitigan niya ang mga mata ko.

"Did I ever tell you that I like you?"

I'm afraid not, sigaw ng utak ko pero mabagal na iling lang ang isinagot ko sa kanya.

Shit. Hindi niya ba ako gusto?

Sana hindi niya nababasa ang takot sa mga mata ko.

"Gusto kita," sabi niya and he cupped my face.

I blinked. Just to make sure that this is really happening.

Bigla niyang binitiwan ang mukha ko at dumistansya ng konti sa akin. Tumungo siya at hinawakan ang batok niya.

"No, mali yon," sabi niya.

I blinked again hoping na mali ang narinig ko. Nag-angat siya ng tingin at lumapit ulit siya sa akin. This time nasa magkabilang bewang ko na ang mga kamay niya.

"That was wrong. Nandito na din ako so I will take this chance to say that I am madly in love with you, Sunshine."

This time I did not blink, instead I closed my eyes when I felt his lips on mine. I don't want to open my eyes dahil natatakot ako na baka magising ako sa napakagandang panaginip na ito.

When I heard his voice, napilitan akong magmulat ng mga mata. Gusto kong makita ang mukha niya habang binibitiwan ang mga salitang yon.

"I love you, Sunshine."

Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya.

"Mahal din kita, Chase," sagot ko.

Hindi ako nagdalawang isip na sagutin siya right there and then. After all, nasagot na niya ang lahat ng mga tanong ko so fair lang na sagutin ko na din ang nararamdaman niya.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Chase at hinalikan niya ulit ako.

"I want to give you something," sabi niya at inilabas niya ang wallet niya.

Bibigyan ba ako nito ng pera?

Kinuha niya sa wallet niya ang isang bagong band-aid. Binuksan niya ito at kinuha ang kaliwang kamay ko.

Inikot niya ang band-aid sa aking ring finger. Nang matapos niya itong ilagay ay hinalikan niya ang kamay ko.

Ang sweet naman niya, hindi pa man din ako nasasaktan may band-aid na agad.

"One day, papalitan ko yan ng totoong singsing. One day, I will marry you."

...to be continued.

A/N: 

Oh diba ang sipag ko na?  Hahaha.

Maraming salamat kasi kahit sobrang tagal kong hindi nag-update dito sa CTS eh may mga patuloy pa ding sumusubaybay. Please don't forget to vote and Comment. Share na din. Maraming salamat! 

~youramnesiagirl


Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon