Chapter Eleven

1.2K 42 4
                                    


Chapter Eleven

Panay ang tapik ng mga daliri ko sa ibabaw ng desk. Hindi kasi ako mapakali. Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi naman ako pasmado pero pakiramdam ko basa na ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

"Ano bang problema mo, Sunshine?" tanong ni Chloe.

"Ah, dito ka na maupo," sabi ko sa isa sa mga kaklase kong babae na dumating. Pinaupo ko siya sa inuupuan ni Chase. Sumunod naman siya.

"Nag-aalala ka ba na baka dyan umupo ngayon si Chase?" tanong ni Chloe.

Tiningnan ko siya at tumango.

Tawa naman ang isinagot niya.

"Sira ka pala eh! Friday ngayon, hindi naman siya pupunta dito ngayon."

Oo nga noh?

Kaya nga pala iniwan saken ni Chase ang niluto namin kagabi para ako ang magpasa ngayon.

"Kamusta nga pala ang niluto nyo kagabi? Magkwento ka naman. Masarap ba?" pangungulit ni Chloe.

"Malambot. Masarap," sagot ko.

Teka, labi ata ni Chase ang idinescribe ko ah.

"Patikim naman ako," sabi niya.

"Huh? Hindi pwede!"

"Ang damot mo naman! Para titikman lang eh. Isa lang. Bilog-bilog naman yun diba?"

Ah shit! Ano ba 'tong nasa isip ko?

"Oo, mamaya. Bibigyan kita. Sa bahay ka na magdinner. Ipinagtira kita syempre."

Medyo madami din kasi ang naluto namin ni Chase. Nakapag-uwi pa nga siya sa kanila kahit hindi ko naman talaga mainitindihan ang lasa.

Isang lasa lang ang naaalala ko.

Tama ba na nagkiss kami?

Mali diba? Kasi may girlfriend siya eh!

Galit na galit siya noon kay Dominic dahil pinopormahan ako tapos mas malala naman pala ang gagawin niya saken.

"Oh bakit bigla kang sumimangot diyan?" tanong ni Chloe.

"Bakit kaya yung mga lalaking nali-link saken eh sala sa may girlfriend eh nagpapanggap na walang girlfriend?"

"Sino?"

"Si Dominic noon, kahit may girlfriend pinopormahan ako tapos yang si Chase kung umasta akala mo walang girlfriend. Kainis."

"Bakit meron ba?"

Tinitigan ko siya.

"Huh? Eh diba sabi mo nagkabalikan na sila ni Thalin?!"

"Ang sabi ko nagkabalikan na ata sila ni Thalin! Pero ewan ko lang, eh diba nakita natin na magkasama sila sa party ni Leo at super close sila and when I say close I mean clooosssse."

Idiniin niya ang huling salita at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

Natapos ang klase at tumatakbo pa din sa isip ko ang sinabi ni Chloe. Nagkabalikan nga kaya sila?

"Shine!"

Lumingon ako at hinanap ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Lumingon din si Chloe. Papunta na kami sa canteen para maglunch.

"O ayan na ang lalaking nagpapanggap na walang girlfriend," bulong niya.

Patakbong lumapit sa amin si Chase.

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon