Chapter Two

4.1K 127 5
                                    

Chapter Two


Kung kanina puro inis at galit ang nararamdaman ko para kay Dominic, napalitan ito ng awa. Gustong gusto ko syang lapitan at itanong kung anong nangyari pero nagtataka ako kasi parang ang sama ng tingin niya sa akin. Humakbang ako ng isa pero pinigilan ako ni Chloe.

"Shine, ano ka ba? Wag mong sabihin na naaawa ka sa lalaking yan at gusto mo siyang tulungan? That guy deserves that punch on his face. Kulang pa nga yan eh kasi malandi siya!"

Nakakatitig pa din ako kay Dominic and he keeps on spitting blood.

"Mukhang kailangan niyang magpunta sa clinic eh," sabi ko.

"Hayaan mo siya! Masamang damo yan! Pumutok lang ang nguso niya, hindi naman niya ikamamatay yan!"

Walang nagawa si Chloe dahil nilapitan ko pa rin si Dominic.

"Dom--," tawag ko pero pinutol niya kaagad.

"Wala akong balak pantayin ang sugat sa mukha ko kaya please, lumayo ka na lang sa akin," pakiusap niya.

"Dominic, I admit gusto kong pantayin ang sugat sa mukha mo dahil sa nalaman ko but I can't. Hindi ko mainitindihan pero nang makita kitang ganyan, naawa ako sau."

Nag-angat siya ng tingin and this time mas madilim ang anyo niya.

"Pwede ba Shine, hindi ko kailangan ang awa mo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito kaya please lang umalis ka na!"

Natakot ako dahil biglang lumakas ang boses niya. Napatingin na din ang mga estudyanteng dumadaan sa corridor kung saan nakatayo kaming dalawa.

Namis-interpret niya ata ang sinabi kong naaawa ako sa kanya. At ano naman ang kinalaman ko sa sugat sa mukha niya?

"I don't get it? Anong kinalaman ko sa mga yan?"

Lumagpas ang tingin niya sa akin at pagkatapos tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palayo.

Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo pa rin si Chloe at sa di kalayuan ay nakatayo naman at nakasandal sa pader si Chase. Tiningnan ko siya ng masama pero nagkibit-balikat lang siya.

Naningkit ang mga mata ko at nilapitan ko siya. Naramdaman kong sumunod sa akin ang tingin ni Chloe.

"What is it this time Chase?!"

"Easy babe, look at you nawawala ang mga mata mo pag nagagalit ka and you know I like it."

Ghad! Is he flirting with me?! Yuck!

"And your lips..,' dugtong niya.

"SHUT UP! Don't even go there!" pigil ko sa kanya. "Anong ginawa mo kay Dominic?!"

Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin kaya naman humakbang ako palayo and next thing I know ako na ang nakasandal sa pader.

"I heard palagi daw bagsak sa mga subjects niya ang Dominic na yon, so I made sure na matutunan niya yung lesson na ibinigay ko," bulong niya sa tenga ko.

Itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Naramdaman ko kasing madami na ang mga estudyanteng nagtitinginan sa amin. Mas madami kesa kanina nang kausap ko si Dominic.

"Paano ka ba naging best friend ng Kuya ko? Eh ang layo ng ugali niya sayo! Lahat na lang inaaway mo!"

Pagkasabi ko noon, umalis na ako. Hinila ko na ang kamay ni Chloe at dumiresto na lang kami sa canteen.

"Bakit ba kasi narinig ni Chase ang usapan natin kanina?" pagmamaktol ko kay Chloe pagkatapos naming makaorder ng meryenda. Magkatapat kami ng upuan.

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon