Chapter Four

2.8K 98 5
                                    

Chapter Four



"Tingin ko kailangan mo na talagang magboyfriend," sabi ni Chloe habang naglalakad kami papunta sa locker namin.

"We both know na malas ako sa lalaki," sagot ko sa kanya. "Sala sa manloloko, eh sinungaling."

"Iisa naman yun. Ano ka ba?"

"Exactly. Pare-parehas lang sila."

"Grabe ka naman. Iba naman si Kian ko," sabi niya at nakapout pa ang lips niya.

"Sabi mo eh," sagot ko na lang at nagpalit na kami ng P.E. uniform.

"Hi!" bati sa akin ng babaeng nag-mamay-ari ng locker na katabi ng akin.

"Hi," sagot ko.

She's really pretty at mas mukhang blooming siya ngayon.

"Thalin, tuloy ba tayo mamaya kina Dolly?" tanong ng isang babae kay Thalin. I can't help it. Her movements are perfect as well. No wonder Chase fell for this girl. Kahit nga ata pagsasara ng locker niya, perfect pa rin.

"Hindi siguro Kelly, sabi kasi ni Dolly sasama daw siya amin ni Chase mamaya kapag inihatid ako kasi pupuntahan daw niya si Sean," sagot ni Thalin.

I was alarmed. Hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan. Kung doon ba sa ihahatid daw siya ni Chase mamaya o yung pupuntahan ni Dolly si Kuya mamaya. Tumalikod na ako at lumabas na. Itinext ko naman kaagad si Kuya.

Thanks sis, ang tanging reply na natanggap ko. Hindi pa din kasi siya pumapasok eh.

"Bakit kaya lahat na lang ng lalaking nagugustuhan ko eh taken na?"

"And who is it this time?" tanong ni Chloe.

Did I just blurt it out??

"Huh? Ang alin?" pagmamaang-maangan ko.

"Sino ang gusto mo na taken na? Naku Shine, itigil mo na ang kalokahan mo na yan! Been there, done that na dapat ang peg mo dyan!" paalala sa akin ni Chloe.

"Ano naman eh, hindi naman ako sure kung taken na siya pero parang eh. Ah basta, hindi din naman pwede eh," bulong ko.

"Eh sino nga?" pangungulit ni Chloe.

"Never mind," sagot ko.

Inayos ko ang sintas ng rubber shoes ko nang biglang may lumapit sa aming dalawa.

"Shine, pakibigay nito sa Kuya mo."

Hindi ko na kailangang mag-angat ng tingin. Alam ko na kung sino ang nag-mamay-ari ng boses na iyon.

"Ah oo, sige. P-pakilagay na lang dyan," sagot ko nang hindi nag-aangat ng tingin. Ni hindi ko man lang din ako nag-abala na tingnan ang ipinaabot niya.

Nang makasigurado akong wala na si Chase ay saka pa lang ako nag-angat ng tingin. At pag-angat ko ay nakatayo si Chloe sa harapan ko habang nakapamewang.

"So that explains the 'Don't care. Enjoy your date. Goodnight', last night."

Nagtaas lang ako ng isang kilay.

"Parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy mo," may himig na pang-aasar si Chloe.

Tumayo ako at nag-stretch ng kamay.

"Ano bang sinasabi mo?"

"May gusto ka kay Chase noh?"

"Wala noh!!" depensa ko.

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon