Chapter Seven

2.3K 86 0
                                    

Chapter Seven



Hindi naman ako na-advise na abot langit pala ang paniniwala ni Chase sa mga sign na yan. Hindi tuloy kami natuloy ni Chase sa sinasabi niyang pupuntahan daw namin.

Bakit?

Simple lang kasi walang tuyong dahon na pumatak mula sa malaking puno at aaminin ko nakaramdam ako ng konting disappointment.

Makalipas ang halos sampung minuto at wala pa ring pumapatak na tuyong dahon, umalis na kaming dalawa. Yung sunod na klase na lang ang pinasukan namin. Hindi nga maalis ni Chloe ang titig niya sa akin eh. Pagkadating ko naman sa bahay pagkatapos ng klase ay wala si Kuya. Sabi ni Mama, nagpunta daw kina Chase.

"Ah basta, sasama ka!" pilit sa akin ni Chloe sa kabilang linya.

"Wala akong nakikitang dahilan para sumama sa party ni Luke," sagot ko naman.

"Kung wala kang nakikitang dahilan, pwes ako meron. Pupunta doon si Chase kaya sumama ka na!"

"At kelan pa kayo naging close ni Chase at paano ka naman nakakasiguro?"

"Sinabi niya sa akin ang sign na hiningi niya kaya sure ako na nandoon siya."

Napataas ang isa kong kilay. Oh signs, here we go again.

"Talaga lang ha! Ano namang sign yon?"

"Nung umalis ka kahapon para pumunta sa cr, chinika ko kaagad siya eh tungkol sa sign. Tingnan mo, parehas kaming naniniwala sa sign. Kung hindi lang talaga kami ni Kian ang itinadhana para sa isa't isa naku iisipin ko talaga na kami ni Chase ang destiny eh!"

"Choice mo naman yun eh," sagot ko sa kanya.

Ang dami niya kasing alam eh. May pa-itinadhana itinadhana pa siyang nalalaman.

"Choice kong maging faithful kaya si Kian talaga ang mahal ko. Grabe ka Shine, selos ka kaagad?"

Naningkit ang mga mata ko. Nagpapasalamat na lang ako at hindi ako nakikita ni Chloe ngayon.

"Hindi ako nagseselos noh! Ano ba kasi ang sign na sinasabi mo?"

"Uyyy naniniwala na siya sa sign," tukso niya.

"Nagtatanong lang ako. Hindi ako naniniwala. Magkaiba yun."

"Sabi kasi niya kapag Warriors daw ang nanalo sa basketball, pupunta daw siya sa party ni Luke."

"Tapos?"

"Anong tapos? Hindi ka ba nanood friend?! Hindi mo man lang nabalitaan?!"

Alam ko naman. Ang hindi ko lang magets eh bakit ba kasi kailangan niyang iasa dun ang mga desisyon niya.

"Eh ano naman ngayon kung sila ang nanalo? Babalatuhan ba siya sa premyo? Ano namang klaseng sign yon? At sure ka na agad na pupunta siya dahil lang doon?"

"Eh di pumunta ka para malaman mo. Basta ako sure ako na pupunta siya."

Tinapos ko na ang paguusap namin ni Chloe nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at iniluwa noon ang Kuya ko.

"Dadalhin ko to ha," sabi niya at ipinakita niya sa akin ang puting charger. Nakabalik na pala siya kaagad. "Bumili ka na lang dito," dagdag pa niya.

"Excited ka na bang umalis. Sa isang linggo pa naman ang alis mo diba?"

Umupo siya sa kama ko kung saan nakaupo din ako. Itinulak niya ng bahagya ang laptop ko para makaupo siya ng ayos.

"Gusto ko lang ayusin ng maaga ang gamit ko. Gusto ko bago ako umalis, maayos na ang lahat."

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon