Chapter One

7.9K 151 13
                                    


Chapter One

Shine's POV

"May girlfriend sya eh," bulong ko.

Isang umaatikabong "I told you so" ang tinanggap ko mula kay Chloe. Kasabay nito ang pagbagsak ng dalawang libro sa desk ko.

Bakit ganun? Ako na nga ang nasaktan, pero sa akin pa siya nagagalit.

"Matigas kasi ang ulo mo," singhal pa niya at umupo na siya sa tabi ko, sa may kanan.

Mabuti na lang at hindi pa dumadating ang professor namin. Malaya pang nakakapagdaldalan ang mga kaklase namin, kabilang na din kaming dalawa.

"Aba malay ko ba. Akala ko hiniwalayan na niya yun," sagot ko naman sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

"Paano pa? Eh di sa Facebook!"

Bwisit talaga ang mga lalaking yan!

Paasa.

Pa-fall.

Insensitive.

Sino bang hindi mafo-fall sa kanya? Eh dalawang linggo na ata niya akong nilalandi. Walang ibang alam gawin kundi puntahan ako ng puntahan sa classroom ko tuwing breaktime. Tapos kapag kasama na niya ako, wala siyang ibang nakikita kundi ako. Yung mga classmate nga namin alam ko iniisip nila na may relasyon kami, pero wala pa naman talaga. I mean, wala naman talaga. Tapos malaman laman ko eh sila pa pala nung girlfriend niya! Imbyerna talaga!

Wag talaga magpapakita saken ang Dominic na yan. Isasampal ko talaga sa mukha niya ang dalawang libro na ibinagsak ni Chloe dito sa harapan ko. Insensitive.

"Likas na ba sa inyong mga lalaki ang pagiging insensitive?" walang anu-ano'y tanong ko sa lalaking katabi ko. Nabitawan ko na ang mga salita bago pa man ako bumaling sa kaliwang bahagi ng upuan ko.

Nag-angat ako ng mukha upang makita ko kung sino nga ba ang katabi ko. Masyado siyang matangkad kaya pagbaling ko, sa balikat niya ako napatingin kaya kinailangan ko pang mag-angat ng mukha.

And the guy is none other than Chase.

Great. Of all the guys naman here in our classroom eh bakit si Chase pa? Walang matinong sasabihin 'to.

He locked his eyes on mine. Hindi ko alam pero bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito at itataya ko ang nagwawala kong puso na ngayon lang din niya ako natitigan ng ganito. Chesnut brown ang kulay ng mga mata niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa mga titig niya kasi parang nagsasalita ang mga mata niya eh. Para akong kinakausap. Parang may gustong sabihin.

"Never mind," sabi ko na lang sa kanya at ibinaling ko na lang kay Chloe ang tingin ko.

Shit!

Shit talaga!

Bakit si Chase ang katabi ko??

Ano bang araw ngayon?

Isang araw ko lang naman siya nagiging kaklase ah.

Right. Thursday nga pala ngayon.

Amazing!

Bakit sa dinami dami naman ng Huwebes, eh ngayon pa tumabi sa akin ang lalaking ito? Kung kelan nag-eemote ako tungkol sa kay Dominic. Narinig niya kaya lahat ng usapan namin ni Chloe? Ni hindi ko na nga namalayan na siya pala ang nakaupo doon.

Nakaharap ako kay Chloe na kagat kagat ang labi and I know she feels the same way. I mean alam ko naiinitindihan niya ang reaksyon ko.

"Hindi naman lahat insensitive."

Lalaking lalaki talaga ang boses niya. Siguro magaling siya kumanta, ang ganda ng boses eh.

Wait.

He answered my question? Seriously??

Mukhang may matinong sagot akong makukuha mula sa kanya ah.

"Pili pili ka din kasi minsan," dagdag pa niya.

I clenched my jaw.

Sinasabi ko na nga ba eh.

"Bully," bulong ko kay Chloe, then I rolled my eyes.

"Gwapong bully," sagot naman niya na pabulong din.

"Madami talagang babae si Dominic, bakit hindi mo alam yon?" tanong niya.

So narinig nga niya ang usapan namin kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I turned to face him.

"Wow! Look who's talking!" sita ko sa kanya.

"Look Shine, I'm just stating a fact. I know you know that fact, you just keep on denying it."

And for the second time, nagtama na naman ang mga mata namin.

"You don't know me," sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Schoolmates tayo  simula High School. Magkapitbahay tayo. Inaanak ng Mommy mo ang kapatid ko. Kabarkada at bestfriend ko ang Kuya mo. Hindi nga kita kilala noh?" he answered sarcastically.

"Whatever!" sagot ko na lang at ibinalik ko ang tingin ko kay Chloe.

Bwisit talaga. Nakita ko naman na ngingiti-ngiti lang si Chloe.

Pinagtiisan ko na lang ang buong tanghali na katabi si Chase. Hindi naman siya nakikinig eh. Alam ko natutulog lang to sa klase. Kaya ko nga siya naging ka-batch eh, kasi tamad siya pumasok tapos lagi pang late. Ewan ko ba kung anong meron ngayon at ngayon lang ata siya hindi na-late. Bumagsak siya ng isang taon noong Highschool at nagshift naman siya ng course ngayong college. Kaya ayun si Kuya Sean, graduating na sa college pero itong si Chase eh second year college pa lang sa kursong HRM. Parehas naman kami ng course pero tuwing Thursday talaga magkaklase kami. Siya naman pumili ng sched niya eh. Hindi naman ako so malay ko sa kanya.

Nang matapos ang klase, mabilis na lumabas ng classroom si Chase. Weird talaga nun.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo si Dominic?" tanong ni Chloe.

"Wag siya magkakamali magpakita saken, baka masapak ko talaga siya!"

Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa selfish na lalaking yon.

Lumabas na kami ni Chloe para pumunta sa canteen. Gutom na kasi talaga ako, idagdag pa ang badtrip ko kay Dominic.

"Shine, mukhang hindi mo na ata kailangang sapakin si Dominic oh. Look, may gumawa na ng trabaho mo," sabi niya at sinundan ko ang direksyon na tinitingnan niya.

Putok ang kaliwang bahagi ng labi ni Dominic at namumula pa din ang pisngi niya.

...to be continued.
***
A/N: Hopefully ito yung next book na ma-publish ko once na matapos ko ito dito sa wattpad. Votes and comments are highly much appreciated. Enjoy the story and share your thoughts with me. You can follow/add me on facebook : www.facebook.com/frutyfruth and you can also follow me on Twitter: www.twitter.com/youramnesiagirl for more updates.Thank you!

~youramnesiagirl

P.S. Again, dedications will be based on your comments. :)

Chasing The SignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon