PROLOGUE

105K 1.5K 38
                                    

PROLOGUE:

"Let's break up." Maang na tiningnan ni keesha ang kasintahan na si Avery nasa isang restaurant sila ng mga oras na iyon and she is quiet having fun with her boyfriend when suddenly he said those heartbreaking words.

 Matagal din niyang niligawan si Avery at hindi nga niya akalain na sasagutin siya nito sa dami pa naman ng mga babaeng nagkakandarapa sa kasama. Avery is your ideal man, nandito na halos lahat wala kang maipipintas dito maliban nalang sa pagiging playboy nito. Marami babae ang gustong baguhin ang binata at isa na siya doon. She is a medical student and he on the other hand is a graduating medical student kaya akala niya magwowork out sila. Ibinaba na niya ang pride upang makuha ito and yes... tama siya ang nagtapat ng pag-ibig sa lalaking kaharap niya ngayon.

Halos hindi na niya magawang lunukin ang pagkain na kinakain niya ng mga oras na iyon, it is just too painful. "Bakit? Two weeks palang tayo, ah." Aniya na pilit na hindi umiyak sa mismong harap nito.

Akala niya magwowork out silang dalawa pero hindi pala, masaya naman kasi sila eh. They date, they kissed, she always make sure na masaya ito. Akala niya mahal siya nito pero bakit?

Umayos ito ng upo at ibinaba ang hawak na kubyertos saka tiningnan siya. Iyon bang tingin na alam mong nabobored na siya.

"Yeah, its two weeks at hindi ako nag-e-enjoy sa company mo. Sorry to say this pero naaawa lang ako sa iyo."

Kusang kumilos ang mga kamay niya at automatic na dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito. 

Pak!!!!

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. She has high hopes na siya na ang makakapagpatino sa lalaking kaharap. Akala niya ay pwede din siya nitong mahalin pero hindi pala, hindi ang isang katulad ni Avery San Gabrielle ang papayagan niyang bumasag sa puso niya pero mali siya because her heart has been shattered again. Wala ba talaga siyang pag-asang mahalin din ng mga taong mahal niya?

Napansin niyang nagtagis ang mga ngipin ni Avery na tindi nag alit ito sa kanyang ginawa pero wala siyang pakialam dahil ng mga oras na iyon mas galit siya, mas nasasaktan siya.

"Sana sa simula ay hindi mo na ako pinaasa pa Avery. Sana ay hindi nalang. Mahal kita at alam mo iyon. Sana hindi mo ako sinaltan ng ganito."

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon