Chapter 7

67.7K 1.4K 25
                                    

Chapter 7

            PAKIRAMDAM niya ay nakaramdam siya ng pagod sa nangyari ngayong umagang ito. Feeling nga niya ay nasa isang drama show siya at muling nagkita ang dalawang taong minsan ay nag-ibigan, nagkasakitan, naghiwalay at ngayon ay muling nagkita. Napahawak siya sa nangingitim na bukol niya sa noo, she silently winced when she accidentally hit that spot.

            Ang magandang nangyari lang naman ngayong araw na ito ay nagkasundo na sina lolo Kris at manang Gina. There are a lot of tears shred today but at the end ay napatawad din nito ang lalaking nanakit dito.

            She checked on her own feelings, alam niyang masyado na siyang naoverboard sa naramdaman niyang galit kay Avery to think na hindi lang naman siya ang nasaktan nito. Baka nga may iba pang babaeng nasaktan nito ng labis-labis. Tama si Guille noon she can’t move on unless she already learned how to forgive and forget. Mahirap magpatawad at makalimot, hindi nga niya iyon nagawa sa loob ng pitong taon.

            Kinimkim niya ang galit niya kay Avery at dahil doon ni minsan ay hindi niya nabuksan ang puso sa iba. Dahil sa nangyari ngayon ay may narealized siya sa kanyang sarili, alam niya sa loob niya hindi pa niya tuluyang nakakalimutan si Avery the reason is because she is still mad at him for wrecking her heart.

            But seeing what happened between Manang Gina and Lolo Kris bigla siyang nakaramdam ng takot. Ayaw niyang mabuhay sa isang buhay na puno ng hinanakit at puno ng galit, she wants to be happy just like her sister. Her life doesn’t revolved around one heartache, that heartache will serves as her learnings na kapag nagmahal siya uli ay alam niya kung hanggang saan lang ang pwede niyang ibigay at kung ano ang boundaries niya para hindi na gaanong masakit.

            It’s time to move on.

            And with that thought she felt relieved. She felt free. A smile form from on her lips and this time she knew it will be a new day for her.

            Pagdating niya sa nurse station at nadatnan ang mga kasamahang nurse doon.

            “Keesha---.” Natigil ang mga ito ng makita siya. Lahat ng ekspresyon ng mga ito ay nakakatawa para kasing may nakitang aparisyon na hindi niya maintindihan.

            “Anong nangyari sa inyo?” natatawang tanong niya.

            “Holy Gosh! Anong nangyari sa iyo Keesha?” ngumuso siya sa tanong ni Ice at napahawak sa noo niya.

            “Obvious baa ng bukol ko? Nabato kasi ako ni lolo Kris kanina ng cellphone.”

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon