Chapter 10

83.6K 1.5K 22
                                    

CHAPTER 10

Masakit ang ulo niya at parang nahihilo siya. Bumangon siya sa kanyang hinihigaan... hindi pamilyar sa kanya ang magandang lugar na iyon. Nasaan na ba siya? Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari sa kanya.

Ang naalala niya ay kausap niya si Avery tapos dinala siya sa parking lot. May bruhang pangit na lumapit. Hinalikan pa nga nito si Avery... tapos ay pinatulog siya ni Avery.

"Nasaan na ang kidnapper na iyon?" Napatingin siya sa kanyang sarili. Iba na ang suot niyang damit. At letseng ulan naman .. ang lakas.

Tatayo sana siya ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang lalaking laman ng kanyang isip.

"What did you do to me?' Galit na tanong niya.

"What?" Nakangiting tanong nito.

"Saan mo ako dinala?"

"Honey, what are you talking about?'

"Huwag ka ngang magmaang-maangan diyan. Saan ito? I-uwi mo na ako."

"Ahm, honey. Matagal ka ng nakatira dito." Mas lalo siyang naguluhan sa pinagsasabi nito. "Dont tell me nakalimutan mo na?"

"What?! Anong nakalimutan ko?"

"We are married." Nanlaki ang ulo niya sa sinabi nito. Two months ago pa tayong kasal. at dahil pareho tayong busy sa hospital kaya ngayon lang tayo napirme sa bahay natin. To spend our honeymoon together."

Ha? Ano raw?! No!

"Dont fool me Avery. You are lying."

"Hindi ako nagsinungaling sa iyo. Here." May ipinakita pa itong wedding pictures nila na nasa side table. Tiningnan niya iyon. It is her, naka-wedding dress at katabi si Avery. Hindi nga? Parang kanina lang ay iniiwasan niya ito. Tapos nagising nalang siya isang gabi na kasal na sila? Bakit wala siyang matandaan?

"I am not. I can even prove that to you." Lumapit ito sa kanya. He started kissing her face, her neck, nakikiliti pa nga siya... he kiss her on the side of the lips, on her nose... on her lips.

"Avery, huwag." Pigil niya dito. "Im sorry, wala akong maalala. I dont know what happened.---." Tumayo ito at mataman siyang tiningnan. Nag-iba ang hitsura nito... biglang naging seryoso.

"Maybe you are tired. Sa guest room na ako matutulog. Good night.'' Iyon lang at umalis na ito.

"Lord, what happened?" Usal niya. Pilit niyang inaalala ang nangyari? Bakit? Napahawak siya sa kanyang ulo. Wala siyang maalala.

Para siyang tanga. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Malakas ang ulan. Hindi siya pamilyar sa lugar paano kaya siya makaka-uwi. Napabuntong-hininga siya. Kumalma na siya. Naghanap siya ng orasan. Alas nuebe na ng gabi. Lumabas siya ng silid upang hanapin si Avery. Malaki pala ang bahay na kinaroroonan niya.

"Nasaan na ba si Avery? Nasaan na ba kasi ang guest room?" Mukhang wala siyang pag-asang mahanap ito sa dami ng mga silid doon. Bukas nalang siguro. Dahil sa kaiisip kaya hindi niya namalayan na umaga na pala siyang nakatulog. Kaya ang nangyari ay gabi na siya ng nagising. Napahawak pa nga siya sa kanyang sikmura dahil kumakalam iyon. Nagugutom na siya...

Kapag ganito pa naman siya ay feeling niya napakahina niya. Nagsimula ng magpulasan ang mga luha sa mga mata niya ng may bumukas na naman sa pinto. At sino pa ba ang aasahan niyang pumasok doon? Agad niyang pinalis ang luha sa mga mata at humiga. Tinakpan niya ang sarili ng kumot.

Naramdaman niya na lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Keesha." Boses nito. Tinanggal nito ang kumot na nakatakip sa katawan niya.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon