Chapter 3

71K 1.4K 42
                                    

 CHAPTER 3

 

           PAPUNTA na sana siya sa nurse station upang kunin ang mga gamit niya, pasado alas otso na ng umaga at tapos na ang kanyang shift. Napahikab pa nga siya dahil sa totoo lang inaantok na talaga siya.

           She is about to turn in the corner of the hospital when she heard something. “Ouch doc Avery.” bigla siyang kinalibutan sa narinig na boses true nanindig nga ang balahibo niya. “Ohh, doc ang sarap pala ng mga kamay mo ganyan baa ng mga hands ng doctors nawala ang sakit eh.”

           Sinulyapan niya ang pinanggalingan ng ingay at biglang napataas ang kilay ng may makitang hindi kaaya-aya sa mga mata. Isang babaeng kung makapagsuot lang ng micro mini ay parang wala ng itago at nahihiya pa nga siguro ito dahil halos bra nalang ang suot nitong crop top. Nakakapandiri at nakakakilabot, halata kasing nagpapanggap lang na nasasaktan ang babaeng inaalayan nito.

           The usual thing sabi nga ng mga kasama nila sa hospital na mas dumarami daw ang mga pasyente nilang may pitty na sakit at lahat sila ay gustong magpatingin kay Avery. She rolled her eyes as she continue walking mas mabuti nalang na hindi na niya pansinin ang mga nakakdiring tao sa mundo maisip lang niya ang germs na pwedeng makuha sa mga basura ay nahihilo na siya. Napahikab siya habang nilagpasan ang dalawa ng--.

           “Nurse Keesha.” Agad na tumaas ang kilay niya ng tawagin siya ni Avery, they aren’t the best of friends and they aren’t even considered as acquaintances but the fact na isa itong doctor who holds a high position in this hospital ay kailangan pa rin niyang maging sibil dito. Lumingon siya at napatakip ng bibig dahil napahikab na naman siya.

           “Bakit?” she rubbed her itchy eyes. Tumitig lang ito sa kanya tapos ay ngumiti ang sarap talagang sipain nito.

           “Wala lang I just want to greet you good morning.”

           She now literally rolled her eyes at napahikab uli. “Huwag mo nga akong matawag-tawag kung wala kang sasabihing importante. Bwisit!” at inis na tinalikuran na niya ito habang ang babaeng nakahawak pa rin dito ay kanina pa pinagpepyistahan ang katawan nito. Nagpapapyista naman!

           Umalis na siya at mas minabuting matulog at magpahinga keysa sa abalahin ang sarili niya sa mga walang kwentang tao. Pagkakuha niya ng kanyang mga gamit ay mabilis siyang lumabas kaso sa kasamaang palad ay malakas na pala ang buhos ng ulan kaya ang nangyari kailangan na niyang takbuhin ang papuntang parking lot.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon