Chapter 2

71.4K 1.4K 32
                                    

CHAPTER 2

TAMA...

Nakakatawa talaga ang buhay minsan hindi mo alam kung seryoso ba talaga ang destiny at kahit na anong gawin niya ay magkukrus at magkukrus uli ang landas nila. Magkukrus… is the right term dahil gumawa siya ng maraming paraan upang hindi lang muli silang magkita. What’s the advantage of her knowing that he is around and no one knows---errr--- only Guille knows? Walang magtataka kung gagawa siya ng excuses.

And so far she is doing good dahil walang nakakapansin sa ginagawa niya lahat naman kasi ng mga kakilala niya ay alam kung gaano siya kailag sa mga mga tao. At what else? Hindi pa siya nito nakikita but somehow she felt ashamed of herself. Feeling kasi niya ay sobrang affected pa rin siya it has been seven years at saka malay ba niya kung hindi na siya nito makikilala pa. Baka nga hindi na nito naalala ang pangalan niya.

Gusto niyang mapatili sa frustrations! Bakit ba niya naiisip ang mga bagay na iyan? Ang mabuti pa ay asikasuhin nalang niya ang kanyang mga pasyente lalo pa at pasaway ang mga ito. Talo pa ang mga bata eh samantalang matatanda na ang mga ito. At ang mga kasamahan nila siya ang binabala sa mga masusungit na pasyente nila dahil daw siya lang daw ang may kayang ‘magtame’ sa kanila. ANo naman kaya ang tingin ng mga kasama niya sa kanya isa siyang ring master sa isang circus?

At ang isa sa mga pasyente kailangan niyang harapin araw-araw na nagpapasakit ng ul niya ay si manang Gina. Isang matandang masungit na may colon cancer. Wala itong asawa at mga anak ang nagpapahospital dito ay ang mga pamangkin lang nito na ito na mismo ang nag palaki. Papagaling na ito sa hospital at sobra as in sobra-sobra at labis-labis ang pinagdarasal niya n asana ay tuluyan na itong gumaling at makalabas na sa hospital.

Huminto siya sa tapat ng isang private ward kung saan nagpapahinga si manang Gina. Hindi na siya kumatok at binuksan ang pinto agad niyang nakita ang pasyente na nanonood ng TV.

"Good afternoon po." Seryosong bati niya. Lumingon ito sa kanya at agad niyang nakita ang disgust sa mga mata nito na makita siya. At kahit na hindi niya masakyan ang ugali nito ay isa siya sa mga taong mabilis makaintindi at mahaba ang pasensya.

"Isa na namang makulit. Umalis ka na. Sabi kong ayokong inaalagaan ako."

Napailing nalang siya sa ginawa nitong pagtataboy sa kanya. Sa araw-araw naman kasi na ginawa ng Diyos ay linya na nito iyon at namemorize na rin niya ang mga salitang palagi nitong ginagamit sa kanya.

Hindi nalang siya umimik at linapitan ito. She checked her vital signs and it’s okay.

“Kumain na po ba kayo?”

Umismid ito. “Ano ang tingin mo sa akin hindi kumakain ng maayos? Gusto mo bang ipalabas na hindi ako marunong mag-alaga ng sarili ko?” galit na tanong nito. Ayaw sana niyang sagutin ito but she won’t be Keesha for nothing.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon