Chapter 13: Sossy Girls

437 4 1
                                    

Chapter 13: Sossy Girls

[Third Person’s POV]

Inis na inis na pumasok sa tambayan ng SG si Gelly. Inabutan naman niya dun ang 3 pang kagrupo. Ang Leader nila at muse ng section nila na si Steph, Si Nikka na mukhang mabait pero grabe kung manlait, at ang nagmamagandang bakla na si Chris.

“Bakla! Problema mo?” tanong ni Chris sa aburidong kaibigan.

“Yung transferee sa second year” inis na sagot ni Gelly

“Yung babaeng umagaw sa huling koronang target ni steph?” tanong ni Nikka na kinainis naman ni steph

“pwede ba nikka, shut up! Naiinis lang ako pag naalala kong kulang ng isang title ang collections ko” gigil na sabi nito na napahinto pa sa paglalagay ng make-up

“Bitter si bakla oh” sabi naman ni chris but steph gave her a death glare.

“sabi ko nga maganda ka, naka-chamba lang yung sophomore” sabi pa ni chris

“Shut up or I will pull that tongue out of your mouth” inis na sabi ni steph

“ay teh, brutality award?” sagot pa nito. Nakita naman ni Gelly na nang gigigil na si steph sa baklang kaibigan kaya umawat na siya

“magtigil nga kayong dalawa. Moment ko kaya ‘to” sabi pa niya

“Ay oo nga. Ano pala yung problema mo sa sophomore?” tanong naman ni nikka.

“Eh kasi naman, kanina nakausap ko yung chikboys tapos nalaman ko nag-celebrate pala sila ng birthday ni Gino kasama yung mish na yun” nakasimangot na pagke-kwento ni Gelly.

“ANO?” gulat na tanong ni Chris

“oh di ba nagulat ka. Tapos tayo, hindi man lang nasabihan. Nakakainis kaya” sabi pa ni Gelly

“eh? Bakit ganun? They’re so madaya naman oh” sabi pa ni bakla habang nag-iinarte.

“meron pa” sabi pa ni gelly

“ano pa?” tanong naman ni nikka

“sabi ni Anthony kapatid lang daw tingin nila kay mish pero may isa sakanila na mukhang may gusto daw dun sa babaeng yun. Hindi pwedeng si Gino, mamamatay ako” sagot niya at napahawak pa sa tapat ng puso niya habang nakakuyom ang kamao.

“sino naman? Hindi pwedeng si fafa jhake my labs” alburutong sabi ni chris

“manahimik ka nga chris! Sa’kin si jhake, bakla ka!” sabi naman dito ni steph.

“okay fine. Si Alvin na nga lang sa’kin eh” sabi naman ni bakla

“basta ang mahalaga, walang gusto sakanya si Anthony” nag-eemote naman na sabi ni nikka.

“pa’no nga kung si jhake? O kaya si gino?” tanong naman ni Gelly.

“ihanda niya na yung wig niya. Dahil kakalbuhin ko siya” mataray na sabi ni bakla na tumayo at nag-posing pa.

“nakakainis na yung mish na yun. Una, sinira yung record ko sa pagiging queen of st. cloud academy tapos ngayon, sa chikboys naman gustong pumapel?” inis na sabi ni steph.

“feeling maganda” sabi pa ni Gelly

“bakla, maganda naman talaga eh” sabi naman ni Chris

“CHRIS!!!” sabay-sabay na saway nung tatlo.

“Bitter na kung bitter teh, pero maganda din naman kasi talaga. Tanggap-tanggap din pag my time. Insekyora” ismid sakanila ni chris

“isa pa chris, I will assure you, you’ll be a dead meat in 2 minutes” banta ni steph.

“uhm” sabi ni bakla habang tinikom ang bibig at animong nag-zipper pa ng bibig sabay taas ng kanang kamay like saying ‘Promise’

“So anong gagawin natin? maiinis na lang tayo dito?” tanong ni Nikka.

“ay bakla, ako may plano! Me, me, me, muah” maarteng sabi ni bakla

“ano nanaman yan?” inis na tanong sakanya ni steph

“Bumuo tayo ng Haters Club” masiglang suhestyon ni Chris.

“Haters Club? Goodluck sa’ting apat” sabi naman ni Nikka.

“Bobita ka talaga! Syempre magrerekrut pa tayo” nakangising sabi ni bakla na parang may masama ng tumatakbo sa utak niya.

“Paano pag wala ng ibang inis sakanya?” tanong ni Nikka

“Ano ka ba bakla. Nagkalat ang insekyora sa mundo noh” sabi pa ni Chris

“So you were saying na insecure ako sakanya ha?” mataray na tanong ni steph habang naka-cross arms at nakataas ang kanang kilay na nakatitig kay Chris.

“Accept it or not, insecure ka na din sakanya. Insecurities leads to bitterness, at alam nating bitter ka” sagot ni bakla. Natameme naman si steph.

“I’ll pull your tongue” inis na sabi ni steph at akmang susgudin si bakla ngunit agad naman siyang pinigil ni nikka at gelly.

“Oo, gagana ‘tong haters club na ‘to. Eh ngayon pa lang nag-aaway na tayo” sabi naman ni Gelly.

“Ang Hot naman kasi ni bakla eh. Making ka kasi muna, wag mo na intindihin kung insekyora ka talaga o hindi. Because, I have a plan” then he flashed an evil side grin na ipinagtaka naman ng tatlong kaibigan.

“So anong plano mo?” tanong pa ni steph.

 “Sabotage her and make her life a living hell” sa sinabi ni Chris, nagkatinginan ang tatlong babae at tsaka ngumiti na parang alam na nila ang magiging takbo ng mga susunod na mangyayari.

--

Excited na nagpulong ang SG. Lunch break ngayon, at ngayon nila planong i-assess ang mga napag-usapan kahapon tungkol sa binubuong haters club.

“ano mga bakla? May na-rekrut na ba kayo?” tanong ni Chris

“Oo, bakla. Madami pa lang galit dun” sabi pa ni Nikka

“Oo nga eh. Ngayon ko lang din nalaman yung issue sakanila ni Xander” dagdag pa ni Gelly.

“Xander? You mean?” pagkukumpirma ni steph na agad namang nainitindihan ni Gelly.

“Oo, siya nga. Nanligaw pala yun kay mish at nabasted. Sabi nga nila kaya daw umalis si xander dahil kay mish” kwento pa nito

“wow ha, ang kapal niya naman para bastedin ang isang Alexander de Guzman” sabi pa ni steph

“Oo nga eh. Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko” sabi pa ni gelly

“So ilan na tayo ngayon?” tanong ni Chris

“tatlo sa’kin” tipid na sabi ni steph.

“Ako din tatlo” sabi naman ni nikka

“apat sa’kin” sabi naman ni gelly

“So 14 na tayo ngayon. pwede na” sabi naman ni bakla.

“wala kang rekrut?” tanong sakanya ni steph

“grabe ka naman bakla! Ako na nga nag-iisip ng plano eh” sabi naman ni bakla

“psh! So ano namang plano mo?” tanong ni Steph.

“ganito yun” sabi ni bakla at nagdikit-dikit sila para mag-usap ng mahina.

After a couple of minutes, they departed with a devilish grin on their face.

“Brilliant” nakangising sambit ni steph.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon