Chapter.42*Barkada Moments*

198 0 0
                                    

[Mish POV]:

"GOOD MOR---" naputol ung sasabihin ko ng makita kong ako nalang pala nag isa sa kwarto. tinignan ko ung orasan

"8 AM?? gising na silang lahat?" napabalikwas na ko ng bangon at dumeretso sa banyo

quarter to 9 AM na ng matapos akong maligo, magbihis at magtoothbrush. bumaba na ko pero walang tao sa sala, wala din sa kusina. hala, nasan na sila T__T bakit nila ko iniwan, madaya !!

bumalik na lang ako sa sala para manuod ng TV. nakakatampo naman sila, umalis sila hindi na nga ako ginising, iniwan pa ko. tapos... GUTOM nadin ako !!!

"mish, buti gising ka na" biglang dumating si xander at pawis na pawis

"san ka galing? nasan sila?" tanong ko

"nagbasket ball kami, gusto mo manuod? umuwi lang ako para kumuhang tubig" sagot niya

sumama naman ako. nagdala kami ng 3 galon ng tubig at mga baso. pag dating namin dun lumapit agad silang lahat, mukhang uhaw na uhaw

"mish" biglang lumapit sakin si spade

"madaya! iniwan niyo ko!" sagot ko

"sorry na. ang himbing kasi ng tulog mo kaya hinayaan ka na namin" sagot niya

"kahit na" sagot ko

"kumain ka na ba?" tanong niya. hindi ako sumagot kaso biglang tumunog ung tiyan ko >.<

natawa naman siya "HAHA GUTOM NA SI MISH KO, tara kain na tayo" natatawang sabi niya

"ayoko, wag ka lumapit sakin kadiri ka, puro ka pawis" pagsusungit ko

"eh hindi ka pa kumakain eh. tara na samahan na kita" sabi niya

"ayoko, kaya ko mag isa. may cellphone naman, tatawag nalang ako pag may kailangan ako" sagot ko sabay alis. nakakatampo talaga sila hmp!

"pahamak ka namang tiyan ka. nag eemote ako tas tunog ka ng tunog!" kausap ko sarili ko habang naglalakad. sakto may nakita akong kainan. para siyang restaurant pero hindi ganun kasosyal, pero mukha namang malinis yung food

pumasok ako dun at pinagtinginan ako ng mga tao, may mali ba sakin? ok naman suot ko ah. white shirt lang tska maong pants, hindi naman mukhang OA suot ko db?

dumeretso nalang ako sa counter at umorder ng heavy meal. as in heavy, dahil wala akong balak umuwi mamaya sa tanghalian, bahala sila

umupo na ko at hinintay ung order ko. tinignan ko ung phone ko, 80% pa ung battery. Good. then tahimik lang ako pero ramdam ko ung mga matang naka tingin sakin, parang sinusuri nila ko. PWEDE LUMUBOG? MAY UNDERGROUND TABLE BA SILA? DUN NALANG KAYA AKO?! HMP

"order niyo po maam" biglang dumating ung waiter na parang ka edad ko lang. dala ung order kong beef caldereta, porkchop, chopseuy, at 2 cups of rice. at Large pineapple juice. yehey! kainan na

"Thank you" sabi ko

ngumiti lang siya tsaka umalis. inumpisahan ko na ang pagkain, nang may lumapit sakin na mga babae

"hi miss, bago ka dito?" tinignan ko sila mga naka sandong maninipis at sobrang micro mini short. probinsya toh db? di na ba uso talaga si maria clara? tumango naman ako bilang sagot sa tanong nila

"kayo ba yung dumating kahapon? ung madaming kasamang lalaki?" tanong niya pa

"Oo" tipid na sagot ko

"Kasama mo ung mga gwapong yun? sila ung nagbabasketball ngayon sa plazd db? pwede mo ba kami samahan sakanila?" sabi niya. teka close ba kami?

"bakit?" tanong ko

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon