Chapter 5: Heartbreaks

669 9 0
                                    

posted: 03/27/14 revised :D

Chapter 5: Heartbreaks

[Mish POV]

“Enjoy the week” sabi pa ng emcee bago bumaba ng stage. Madami ding activities ‘tong week na ‘to. Hindi na ko sumali sa games since pinagpo-focus ako nung adviser sa pageant, may talent portion kasi yun sa finale night. Si pinky naman sumali sa isang physical activity pero sa Wednesday pa yun kaya wala pa kaming gagawin ngayon. Nagpalit muna ko ng denim shorts at red sneakers na tinernohan ko ng red fitted shirt na may heart prints.

“Mish, ang tagal mo. Lunch na tayo” pagyayaya sa’kin ni pinky pagtapos ko magbihis.

“sige, gutom na din ako” sagot ko naman. Dahil alam naming madaming tao sa school canteen ngayon, sa labas na lang kami kakain.

“Mish, dun tayo sa bagong barbecue house kumain. 5 mins walk lang naman eh” sabi ni pinky. Tumango naman ako since gusto ko din mag-try ng bagong makakainan.

“Good afternoon ma’am” bati sa’min ng isang crew. Umupo kami sa isang table for 4. Madami din kasing taong kumakain.

“wow, di ba kakabukas lang nito lastweek, bakit punuan kagad?” tanong ni pinky

“baka masarap yung food. Order ka na, chicken barbecue with rice sa’kin” sabi ko at nagbigay ng pambili kay pinky. Naiwan nalang ako dun mag-isa ng may babaeng lumapit sa’kin.

“miss, may kasama ka?” tanong niya. Mukhang naghahanap siya ng upuan kasi wala na talagang vacant, wala na din akong Makita.

“meron, pero dalawa lang naman kami. You can share with us” nakangiting sabi ko.

“wow sakto. Kasama ko kasi boyfriend ko, okay lang maki-share nalang kami sainyo ng kasama mo?” tanong pa nung babae.

“sure” sagot ko. ang selfish ko naman kung ipagdadamot ko pati upuan noh, haha.

Umupo siya sa tabi ng upuan ni pinky na nasa tapat ko habang hinihintay naming dalawa si pinky at yung boyfriend niya.

“Di ba ikaw yung nasa pageant kanina. Yung sa St. Cloud Academy?” tanong niya. Kaya naman pala kanina pa niya ko tinitignan, siguro iniisip niya kung saan niya ko nakita.

“Oo, Mish nga pala. taga St. Cloud ka din?” nakangiting tanong ko.

“hindi eh, pero yung boyfriend ko taga St. Cloud, kasali siya sa pageant kanina. By the way I’m Erika” sagot niya. She extended her hand for handshake, at kinuha ko naman agad.

“nice to meet you Erika. Ano palang pangalan ng boyfriend mo?” tanong ko.

“He’s— oh he’s here. Papakilala nalang kita” sabi niya habang nakatingin sa may likuran ko. tumayo siya at sinundan ko siya ng tingin at nagulat ako sa lalaking hinila niya palapit sa’min.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at ganun din yung lalaki.

“Mish, siya yung boyfriend ko, si xander” nakangiting pagpapakilala ni Erika sa’kin ng boyfriend niya.

“Uy bebe mish, sorry natagalan” biglang lapit sa’kin ni pinky ng hindi man lang napapansin kung sino yung nilagpasan niya. Nang mapatingin siya sa’kin, dun niya lang tinignan yung direksyon kung saan ako nakaharap.

“Uy xander, nandito ka pala” bati pa niya dito

“bhie, magkakilala kayo?” tanong ni Erika kay xander patungkol kay pinky

“bhie?” takang tanong ni pinky

“Friend ka ba ni xander? Oh by the way, I’m Erika, he’s girlfriend” nakita ko din yung pagkagulat sa mukha ni pinky

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon