Chapter.34*New Found Love*

229 2 1
                                    

[Spade's POV]:

"Good Morning Mish" bati ko sakanya. sabay na kaming papasok sa school

"Good morning din" sabi niya ng di man lang ako tinitignan. pababa siya ng hagdan habang sinusuot ung relo niya ng biglang...

"mish.." sigaw ko. good thing at naagapan ko siya. nahulog kami pareho pero nasa ibabaw ko siya.

"oh my..." napatayo siya agad at tarantang tinanong ako "hala! okay ka lang ba? hah, uy sorry. anong masakit sayo?"

"ano ka ba, ayos lang ako" pero ang totoo medyo sumakit ung likod ko sa bigla naming pagbagsak sa sahig

"ayan kasi feeling super hero! hmp! bat mo ba kasi ginawa un? bakit mo ko sinalo? ayan tuloy nahulog ako sayo. paano kung nasaktan ka? kasalanan ko pa?" dere-deretsong sabi niya at may halong inis dahil sa ginawa ko. napangiti naman ako

"anong nginingiti ngiti mo jan? nasaktan ka na nga, masaya ka pa?" masungit na tanong niya

"nakakatuwa ka kasi mag alala e" nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya

"ano?" iritableng tanong niya

"wag kang mag alala kung masaktan ako dahil sayo, hindi mo kasalanan yun. dahil una pa lang yun na ang intensyon ko. ang saluhin ka pag nahulog ka na" isang malapad na ngiti ang binigay ko sakanya sabay sabi ng "sakin"

hindi agad nakapag.react si mish, parang slow motion ang lahat, kami lang dalawa, nakatingin sa mata ng isa't isa. nang bigla niyang bawiin ang kamay niya

"tara na nga, aga aga ang korny mo" sabi niya tsaka nauna na saking lumabas

"mish, totoo yun. i want you to fall inlove with me, matagal na kong handa na saluhin ka" sabi ko habang nakatingin sa babaeng naglalakad sa harapan ko

"ma le-late na tayo spade, tama na yang fall fall na yan. malayo pa tag lagas" natatawang sabi niya. minsan talaga may pagka-pilosopo tong si mish, and it makes her pretty even more

----

nasa sasakyan kami at walang nagsasalita. si mish nakatingin lang sa labas ng bintana

"pero, di nga mish? kailan ka kaya mahuhulog sakin?" tanong ko

"shatap spade" walang tinging sagot niya

"haha sige na nga tatahimik na. pakinggan mo, team song natin"

napalingon naman si mish sa sinabi ko

"ano? team song?" bulalas niya. natawa naman ako

"ou, ayaw mo nun. may mapapakinggan ka nang magandang song araw araw. cute db" nakangiting sagot ko. bigla namang tumawa si mish

"wow chong, asteeg! tumi-team song? tayo? tayo?" sarcastic niyang sabi

"oo, malapit na" natatawang sagot ko

siya naman poker face lang na sinabing "K dot"

"haha makinig ka na kasi" tas in-on ko na ung player

(NP: Taking Over Me - Lawson)

-uuh-uuh Whoo

Whoo-uuh-uuh

Whoo-uuh-uuh

Whoo-uuh-uuh

My heart is racing

She puts her hands in mine

I feel them shaking

I look into her eyes

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon