Chapter.43*Burdens*

201 0 0
                                    

[Mish POV]:

2 linggo na simula ng makabalik kami.mula sa short vacation na yun na nagbigay samin ng opportunity na magka ayos ayos, mag usap, at magbonding.

"Hoy mish anong iniisip mo?" tanong ni pinky

"wala" sagot ko

"eh bat para kang lutang. ang tahimik mo pa" sabi naman niya. tumingin muna ako sa paligid tsaka bumulong sakanya

"bakit nakaka senti ang ulan?" tanong ko. pero imbes na sagot ang makuha ko. batok, as in binatukan ako ni pinky T__T

"ANO YAN MISH, NAGPA-PRACTICE KA NG TVC NG TENDER JUICY? HINDI MO NALANG TINANONG KUNG BAKIT NAKAKA INLOVE ANG SUNSET DB" sigaw niya. sa lakas ng boses niya narinig yun ng mga classmate namin at nagtawanan.

"Korny mo" pagtataray ko

"ang labo kasi ng tanong mo" sagot niya

"Haha joke lang kasi. Ito na seryoso, bakit complicated ang Love?" tanong ko. tumingin lang siya sakin pero walang words of wisdom ang lumabas sa bibig niya

"Hindi ko din alam mish. problema ko din yan" sagot niya

"oh? bakit?" tanong ko

"kasi dati hindi pa ko naiinlove. ngayon palang, alam mo ung feeling na napapraning na ko. wala naman siyang ginagawang masama pero ambilis ko.mainis sakanya. nagagalit ako agad pag hindi niya ko pinapansin, pag walang text o tawag. gusto ko lagi niya kong binibigyang atensyon, nagiging papansin na ko. hindi tulad na lalapit palang siya gusto ko na siya sipain pabalik sa pinanggalingan niya. Inlove na ko, at ayoko sa feeling na'to" sabi ni pinky. naawa ako sakanya pero napangiti ako kasi sa wakas, inlove na siya kay kuya dion.

"hoy! may problema ako, nakangiti ka pa? anong klase kang kaibigan" emote niya

"haha nakakatuwa lang kasi nainlove ka na sa wakas. i push mo yan. Im happy for you" sabi ko. kahit na naguguluhan ngumiti pa din si pinky

"tama ka. nakakatuwa, napapasaya niya ko sa simpleng bagay, kahit nga lang sa presensya niya masaya na ko. nakakainis lang kasi medjo napa-praning ako" sabi niya pero naka ngiti

"natural lang yan. kayo na ba?" sa tinanong ko parang nagulat si pinky

"hindi pa. natatakot ako" sagot niya

"natatakot san?" tanong ko

"pag sinagot ko na siya. binibigay ko na ang puso ko sakanya. pati authority na saktan niya ko binibigay ko sakanya. ayokong masaktan mish" sabi ni pinky

"hindi ka niya sasaktan. tiwala lang" yun lang ang alam kong payo ngayon kay pinky. kasi ako mismo natatakot, pero hindi para sa sarili ko, kundi para sa taong minamahal ko na ngayon, para kay spade.

--

"mish, wala akong sundo, sayo ko sasabay" biglang sabi ni spade. uwian na kasi

"okay lang. asan driver mo?" tanong ko

"hinatid si mommy sa airport. may pupuntahan sila ni daddy eh" sagot niya

"wala ka nanamang kasama sainyo?" tanong ko. ngumiti naman siya ng napakalapad at inakbayan ako

"Ou, at dahil dun..." nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, napalayo naman ako "Sainyo ako mag.i-stay ng 1 week. ang saya db" sabi niya

"ANO? 1 WEEK?" gulat na tanong ko.

"Ou, lola mo pa nga nag offer nun kay mommy eh. hehe ang saya db" sabi pa niya

"Teka, anong sainyo siya mag.i-stay?" nagulat ako sa nagsalita. pag lingon namin, si pinky kasama ung chikboys at si xander at elise. >.< narinig nila? OH NO !!!

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon