Chapter 59

71.1K 2.1K 706
                                    

Chapter 59: Sure Sikat… Great..

 

A/N: HAPPY 2nd ANNIVERSARY OUR BELOVED  EXO  ! WE LOVE YOU! SARANGHAEYO! I LOVE YOU DYO! MORE POWER & GOD BLESS! Marami pa kayong pagdadaanan at siguradong worth it ang paghihirap niyo!  Hindi kayo iiwan ng mga Exo Stans kasi MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO!

 

 

[Rin]

 

“Anong ginagawa ko dito?” Reklamo ni Rhu habang nakaismid.

“Tss. Why am I even here?” Sabay irap ni Kris sa kawalan. Ang sarap nilang paguntug-untugin. Mga magkakaibigan sila pero ngayon akala mo’y may gang war sa sobrang layo nila sa isa’t isa.

“Rin?” Kenneth approached me. Okay, I got it. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya, o kay Baekhyun. Alam ko may mga naging kasalanan ako, kaya nga heto ako at gumagawa ng paraan para man lang mapagbayaran yun. Ang daming nagalit sa akin, at ayoko nun, kahit na bitch ako, mabuti pa rin akong tao.

“Guys! GUYSSSS!” Sinigaw ko na para marinig nila ako at mapansin. Isa-isa silang nagsitinginan sa akin at sumama ang tingin.

“Anong ginagawa mo dito?!” Sigaw sa akin ni Ria.

“Hello? Like Duh ako po ang nagpapunta sa inyo dito.” Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay nagsialisan na sila. Pero di ko yun pinalagpas.

“Kung aalis kayo di niyo na makikita pa si DANEY!” Kaya’t agad silang nagsilingunan sa akin. Yung mga mata nila, halatang nangunguliala para sa kaibigan nilang nawala. How lucky Daney was. Sana pala ako na lang ang naging kaibigan nila, kahit walang boy friend basta may kaibigang katulad nila, okay nako dun. Haiii ang drama!

“Rin? You know where she is?” Umiling ako bilang sagot kay Kenneth.

“Pero alam ko kung saan niyo siya pwedeng hanapin.” Nagsilapitan sila ulit saakin at nagusap usap sila kung gaano nila namiss si Daney. Napangiti ako nang halos makalimutan nilang magkakaaway sila. True friends, hard to destroy.

 

“Saan Rin? At paano mo nalaman?” Agarang tanong ni D.O. sabay tingin saglit sa nag-aalalang mukha rin ni Kheil.

“Kasi, inasikaso ko ang negosyo namin sa Manila. Muntik na akong mabangga ni Cyan, at alam kong alam niya kung nasaan si Daney. At alam kong alam din niyang hinahanap ko si Daney. ” Simpleng sagot ko na pinatili ang mga babae. Nagtatalon talon sila at nagbro fist ang mga lalake. Huminga ako ng maluwang. Simpleng sagot, napawi na ang bigat ng konsensya ko. Hinawakan ako ni Kenneth sa balikat at ngumiti siya sa akin na nagsasabing ‘salamat’.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon