Chapter 50

90.2K 2.1K 269
                                    

Chapter  50: Always Luhan

A/N: Seriously Exo Stans. Nagulantang ako sa comments XD 70 lang ang hinihingi ko pero masyado yata kayong naging mabait. Ang saya saya ko lang talaga XD Napatili ako ng bongga! MARAMING SALAMAT! XOXO! –Kei

.

Nagiging hobby ko na ba ang pagbisita sa ospital? Kakagaling ko lang dun bumalik na naman ako. Kalalabas ko lang ulit, sana hindi muna ako sipagin dun, ang boring kaya sa ospital, sobrang tahimik.

“Bakit ba labas-pasok ka kasi? May sakit ka ba Daney?” –Ria

“W-wala naman Ria, actually normal naman ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit e.”

 

“Sigurado ka bang normal ka ngayon?” –Lay

“Ah, O-oo naman, bakit Lay?”

 

“Wala lang, baka may tinatago ka sa amin e.” –Lay

Dahil dun sa sinabi ni Lay napatingin tuloy lahat sa akin, kumpleto kami ngayon dito. Ang sama ng tingin sa akin ni Luhan. Wala naman akong tinatago e?

“Ang paranoid mo Lay! W-wala akong tinatago ano!”

Dahil sa kaba ko nauutal tuloy ako. Mukha tuloy akong nagsisinungaling.

“Kung ganun bakit di ka makapagsalita ng maayos jan Daney? Ikaw, pag may nangyayare na sayo magsabi ka samin a.” –Baekhyun

“Nakakatakot kasi kayong tumingin e.” Sagot ko. Napakamot tuloy ako sa batok ko. Mukha akong ginigisa dito. Ang daming tanong kahit wala naman dapat sagutin.

“Let’s go Daney.” Napatingin ako kay Luhan na biglang tumayo. Hinigit niya yung kamay ko kaya di na ako nakapalag at tuluyan ng nakalabas sa tambayan namin.

“Saan tayo pupunta Luhan?” Tanong ko, matagal bago siya nakasagot, naghahanap pa siguro ng sagot. Psh!

“I’m making time for us.” Aniya. Napakunot ang noo ko ng sagot niya. Ano daw?

“A-ano? B-bakit Luhan, para saan yun?” Tanong ko. Marahas siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako, nakaharang ang dalawa niyang braso sa gilid ko kaya napasandal ako sa pader para di maglapit ang mukha namin.

“..I love you Daney…”

Naalala ko pa yung nangyare sa hospital. Shocks.

“I’m making our own time. Just for the two of us Daney! Tss. You’re stupid as ever.”

Nilandas ng palad niya ang ulo niya. Hindi ko tuloy alam kung saan ako magrereact. Dun sa time na sinasabi niya o dun sa insulto. Pero mas nangingibabaw ang kilig ko! Kyaaaa!

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon