Chapter 1

310K 6.9K 2.2K
  • Dedicated kay Do Kyung Soo
                                    

Chapter 1

Andito ako ngayon sa kwarto, nagpe-prepare ng gamit para sa school. Nakakainis, talagang sinuko na nila ako. Di na nila ako matiis. Bakit kasi di na lang ako sumunod?

Wala naman masyadong kakaiba sa lugar na ito. Akala ko nga ibang planeta talaga yung pupuntahan ko eh. Isang malayong lugar lang pala. Isang napakalayong lugar.

Ang kakaiba lang dito eh walang pangit dito, syempre ako maganda ako ano. More like Korea ang appearance ng lugar na 'to.

Ano nga bang lugar 'to?

Sumilip ako sa bintana ng taxi saka nakita yung signboard na..

"EXO University"

Jeez bakit punong-puno ng EXO tong lugar na 'to?

Binayaran ko na ung taxi saka bumaba. Nanlaki yung mata ko ng makitang napakalaki at napakaganda ng Campus na papasukan ko.

Merun pa palang ganito? OMG.

" Ang daming pogi ", I whispered

.

Hinanap ko ang section ko. Alam ko na yung section ko pero di ko pa alam kung san banda yun. Eh sa laki ng lugar na 'to di imposibleng may maligaw dito,

Naglakad-lakad ako, madami akong babaeng nakita na may hawak na mga Pics ng pare-parehong lalaki.

Maya-maya pa mukhang parang my commotion dun sa harapan ko. Pinuntahan ko yun dahil mahilig ako sa chismis. Malay mo may masagap ako. Nakisiksik ako sa mga babae, Yeah babeh, nakasiksik ako!

Ngiting tagumpay ako paglabas pero..

" Nyeta lalaki lang pala, sayang effort. " I murmured.

Unti-unting nagtinginan sakin yung mga babae sa paligid pati na din yung mga lalaki sa harapan ko na pasimuno ng commotion as if na narinig nila ako. Masama ang tingin sakin ng lahat except dun sa mga lalaki.

" M-maka... Makaalis na nga! "

Umalis na lang ako dun dahil mukhang ayaw nnaman talaga nila sakin. Eh ang sama ng tingin eh para nila akong papatayin gamit ang laser. -,-

" Sino ba yang babaeng yan? "

" Ang kapal niya ah! "

Rinig na rinig ko ang mga bulong nila. Siguro mahal na mahal nila yung mga lalaking pinagkakaguluhan nila? O baka naman mga sikat sila?

Binalewala ko ang thoughts sa ibang bagay at hinanap ko na lang ulit yung section ko. Finally! Nahanap ko din. The bad news is, ako na lang yung nasa labas. Okay lang yan transferee naman eh. Napakibit-balikat ako bago kumatok.

Teacher ang sumalubong, I just smiled then pinapasok nia na ako. Expected na daw niyang dadating ako then pinagpakilala ako.

" Annyeong. I'm Daney Cass, 16, from -- "

" Thank You Miss Dane. "

Eh? Di pako tapos eh pinutol na niya. Bastusan ba. Pinapili na niya ako ng upuan. Binalewala ko na lang yun at naghanap ng magandang pwesto.

" Ang dami namang bakante " I said.

Pero tinawanan lang nila ako. Tiningnan ko silang palihim na tumatawa sa akin na akala mo'y may bentang joke akong sinabi. Hindi ko maintindihan ang mga tuktok ng etsudyante dito. Umupo ako dun sa kanang side sa may bintana.

" Miss, that seat is not vacant.. " Sabi ni Miss. Napatingin ako sa paligid. Okay lang, marami pa namang option e. Lumipat ako sa kabila.

" Miss that one too.. " Sabi ulit ni Miss kaya no choice at lumipat na naman ako dun sa isa nitong katabi.

" That is-- "

" Not vacant? " Pagtuloy ko. Oo alam ko na! Niloloko ko lang ang sarili ko! Kaya nila ako tinawanan ay dahil wala akong alam. Tsss. She just smiled. Napabuntong hininga nalang ako nang may magsabi saking wala ng bakanteng pwesto.

" Eh bakit walang nakaupo? " I asked them all.

Someone was about to answer nang bumukas ng marahas yung pinto. Labindalawang nagga-gwapuhang lalaki ang pumasok. Sinundan sila ng tingin ng bawat estudyante sa loob kasama na ako.

" Ay. Late na pala kami Hehe! " Sigaw ng isang nakangiting lalaki habang nagkakamot ng ulo.

Napa-face palm na lang ako dahil di naman sila mukang transferee, pero ganyan yung sinabi niya. Madami na naman ang nagbulungan. Pansin ko lang ah..

" Bakit pala sila lang yung lalaki dito? " I asked. Seryoso ako pero yung mga halakhak lang nila ang narinig ko. Nakakainit ng ulo ang mga kaklase ko!

I just raised my eyebrow. Napaka weird ng lugar na to.Umupo na lang isa-isa yung 12 na kumag. At ako? Heto nakanga nga. Sila pala ang nagmamayari ng mga upuan!

" San po ako uupo miss? "

" Dito ka na lang kalong ka sakin! Haha! " Sagot ng isa sa mga lalaki kanina. Good-looking at mukang well-built ang katawan. Pero masyado syang presko nakakainis.

Inirapan ko na lang siya saka narinig ko na naman yung bulungan nila. Nice. Tss

Pinaupo na lang ako ni miss sa pinakadulong row. To make it all clear ako lang ang nasa last row. Nasa gitna ako at isang Payat, maputi, makinis, Blonde at poging lalaki yung nsa harapan ko. Habang nakatingin ako dun sa likod ng lalaki may nagsalita..

" Lulu, krath ka oh. ", Sabi nung lalaking kasing pogi din niya.

I blushed ng makitang nakatingin na sa'kin yung Luhan. Nakakamangha yung itsura niya. Para sa isang lalaki ay napakaganda niya! Makinis, matangos, maputi, at may kissable lips! I saw a piece of heaven.

That changed into hell nang irapan nia ako.

Yung saya ko napalitan. Nanlumo ako sa kinauupuan ko kasi pinagtatawanan ako ng magbabarkada. Nakakainis. Gusto ko nang ma-evaporate!

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon