Chapter 58

72.5K 1.7K 406
                                    

Chapter 58: Casey Morales

 

 

[Cyan]

“Cyan, marami ba akong… Kaibigan dun?” Tanong sa akin ni Daney. Bumalik ang dati niyang sigla. Bumalik ang dati niyang mapupungay na mata at mapula-pulang kulay. Madalas na siyang nakangiti.

 

Tapos na. Masaya na siya. Wala na ang sakit na nararamdaman niya, sa utak at sa puso. Masaya na siya sa akin.Kinalimutan ka na nya Luhan.

 

“Oo, marami kang kaibigan Casey. At protektado ka nila. Masaya sila kapag kasama ka nila.” Nagningning ang mata niya sa sinabi ko. Para kaming nagso-story telling sa dati niyang buhay. Oo nga, nagamot siya, gumaling siya, pero minsan bumubulong siya sa sarili niya kung bakit parang may sumasakit sa dibdib niya tuwing may gusto siyang maalala.

“Talaga? Eh Cyan, may boyfriend  ba ako dun? Hihihi!” Kinikilig na naman siya. Tiningnan ko siya ng masama at lumayo na siya ng konti.

“Oo Casey! Ako! Talagang sinusubukan mo ako e!” Sigaw ko at hinabol siya. Tawa naman siya ng tawa habang pinapahabol ako. Buong akala niya, boy friend niya talaga ako. Masaya naman siya sa ideyang iyon kaya pinanindigan ko na, total yun din ang alam ng mga magulang niya. Nung mahuli ko na siya’y nabigla ako nang itapat niya ang tenga niya sa dibdib ko.

“Ang sarap talaga makinig sa heart beat Cyan.” Nakangiti siya habang nakapikit. Niyakap ko siya at yumakap siyang pabalik.

‘Paano na lang kung makaalala siya?’ Inalis ko ang sariling imahinasyon sa utak. Paniguradong masasaktan ako.

 

 

.

First Sem. Ihahatid ko na si Daney sa E. University. Masaya niyang pinasok ang kotse ko. Nakangiti siya kaya ngumiti na rin ako.

“Excited ka na ba?” Tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Pinaandar ko na lang ang kotse habang siya  naman ay may itina-type sa phone niya.

“Cyan, maganda ba yung University ko?” Nagningning na naman ang mga mata niya, di ko napigilan ang sarili ko at hinawakan panandalian ang kamay niya sabay ‘oo’ bilang sagot. Namula naman siya sa ginawa ko, pagbalik ng tingin ko sa daan naipreno ko ng malakas ang sasakyan.

“Oh my gosh Cyan muntik na tayong may mabangga!” Sigaw ni Daney sabay takip sa nakanga-ngang bibig.

“Dejavu.” Bulong ko kaya napatingin siya sa akin. Lumabas ako para di na siya magtanong. Muntik ko na siyang masagasaan noon, dun ko siya unang nakilala.

Never Been Your Fangirl- PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon