Thirteen

224 25 11
                                    

Paki-play ang youtube video sa kabila para mas ma-feel niyo. Hahahaha. Paki-play ang video. Kahit paulit-ulitin niyo. Ayos lang yan ;)

Chapter Thirteen

NANG MAKARATING KAMI sa venue ay nag-parke na ang bus sa itinalagang parkehan. Hinintay namin ang subject teacher naming si Ma'am Serafica para sabihan kaming tumayo na at kung saan pupunta. Sila kasi ang magli-lead sa mga tinuturuan nila. Ilang minuto lamang, pumasok na si Ma'am sa sasakyan namin.

"CANDOR, kelangan kong i-lead ang advisory ko. I trust you naman at alam kong mag-iingat kayo. Yung mga katabi niyo ngayon, sila na rin ang katabi niyo para sa seats sa loob." May inilabas siyang kumpol ng papel at tumingin siya sa direksiyon ko. Ah hindi, sa katabi ko pala. "Luke, ikaw na ang bahala." Ibinigay niya kay Luke ang kumpol ng mga papel.

Kinuha naman iyon ni Luke at saka kumuha ng dalawa. Ibinigay niya sa'kin ang isa. Tumayo siya mula sa upuan niya at saka nagbigay ng papel sa iba. Tinignan ko ang papel na inabot niya sa'kin. May nakasulat na El Filibusterismo. Ah, ito 'yung ticket para makapasok sa loob. Sinuri kong mabuti ang ticket. Seat 1305 ako. Tumayo ako para puntahan si Jessa.

"Uy, anong seat mo?"

"Seat?"

"Oo. Tignan mo ticket mo. Andito," ipinakita ko sa kanya ang ticket ko at itinuro gamit ang panggitnang daliri ang seat number ko.

"Uy! Masama 'yan. Hahaha," itinuro ni Jesa ang kamay ko at na-realize kong naka-middle finger pala ako. Tumawa kaming dalawa. "1313 ako."

"Huh?"

"Seat 1313 ako."

"Ay," sabi ko. "What?! Best ang layo mo!" Maktol ko sa kanya.

"Late ka kasi dumating eh. Ni-reserve ko sa'yo yung katabing upuan ko. Ayan tuloy iba ang nakinabang." Nagkamot siya ng ulo.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Di bale na nga."

"Wag kayong humiwalay sa mga katabi niyo," sigaw ng president namin. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin. "Tara na. Bababa na tayo."

Agad kong kinuha ang bag ko sa upuan ko at saka sumunod sa kanya. Nang makuha ko ang bag tumingin ako sa harapan pero wala na siya. Nakababa na siya sigurado. Pagkababa ko ng bus, tumama ang mukha ko sa likod ng isang tao. Ay, si Luke pala 'to. Akala ko kasi iniwan na niya ako eh.

"Ang tagal mo," inis na sabi niya habang kinakamot-kamot ang kanang tenga niya.

"Ah sorry. Kinuha ko lang kasi yu—"

"Tara na," pagpuputol ni Luke sa rason ko. Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga at sinundan ang lalaking mabilis na naglalakad palayo sa'kin.

SOBRANG HABA NG pila ng mga papasok sa hotel. Nakapila na kami at nasa harap ko si Luke dahil siya nga ang nagli-lead sa'kin. Hindi ko na kasi mahanap 'yung ibang mga kaklase ko dahil sa siksikan. May mga hindi pamilyar na mukha ng mga estudyante akong nakikita. Galing sila sa ibang schools, sigurado. Medyo nakakainis ang organizer ng activity na 'to. Dapat sinort-out na lang ang mga students sa iba't-ibang school. Gusto yata talaga kaming tipidin. Ang init-init pa ng panahon. Epekto yata talaga ng global warming. Rainy season dapat ngayon kasi July pa lang eh. Pero sobrang init ng panahon.

Sobrang siksikan pa dahil merong apat na linyang mahahaba. Malamang mahaba talaga 'to. Biruin mo ba naman, ang seat number ko nga eh 1305. Ibig sabihin, mahigit isang libo ang estudyanteng manonood.

"Shocks! Ang init naman!" Maarteng reklamo ng babaeng katabi ko. Hindi pamilyar ang mukha niya. Malamang, galing sa ibang school 'to. Yumuko ako at inangat ang bag ko sa taas ng ulo ko para protektahan ang ulo ko mula sa mainit na sikat ng araw. Kainis. Nakalimutan ko kasing dalhin 'yung payong ko eh. Pagkayuko ko, nakita ko ang kamay ng babaeng maarte kanina na hawak ang ticket. Nakita ko ang seat number niya.

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon