Four

273 31 19
                                    

I dedicate this chapter to @Eljey_Olega. Oh my god. Hindi mo po alam kung ga'no mo ako napangiti sa comments mo. Thank you. Wala akong pakialam sa votes, well medyo XD Pero I mostly loooove comments kasi dun ko nakikita kung effective ba ang writing ko. Ate, it was such a good motivator  Thank you po ulit! :)

Chapter Four

NAKALABAS NA AKO sa school at naghiwalay na rin kami ng landas ni Jessa. Sabi niya sa'kin, si Ivan muna ang mag-aalaga kay Jaja. Yun ang napili nilang ipangalan sa baby doll nila, babae kasi.

Nang nakasakay na ako sa jeep, hawak-hawak ko si Zandrei at nararamdaman ko 'yung mga tingin ng ibang pasahero sa akin. Siguro iniisip nila na nababaliw na ako kasi may hawak akong manika o laruan para sa kanila sa edad kong 'to. At naka-uniform pa ako. Kung alam lang nila na requirement 'to.

Magbabayad na ako sa jeep at nang lumingon 'yung babae na nasa harapan ko para kunin 'yung bayad ko, natawa siyang kaunti.

Minsan nasusulyapan ko rin 'yung ibang pasahero na iiwas na tingin sa'kin tapos ngingiti na parang pinipigilan 'yung tawa nila. Hindi ko na lang sila pinapansin, kahit na nahihiya ako. Hindi ko naman siya pwedeng ipasok sa loob ng bag ko kasi para na ring baby 'to diba. Pero pwede naman siguro? After all, nung nakuha naman namin siya, nasa loob siya ng kahon. Sinimulan ko ng ilagay sa bag si Zandrei, pero para akong baliw kasi hindi kinakaya ng konsensiya ko. Para bang pakiramdam ko totoo talagang bata siya. Hindi ko na lang tinuloy kasi hindi rin siya kasya sa bag ko.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, bumaba na ako ng jeep. Nadatnan ko si Mama na nagdidilig sa garden niya. Mahilig kasi siya sa mga halaman. May Lilies siyang tanim, mahilig kasi siya d'on. Tapos ang pangalan pa ni mama, Lily. 

Pumasok na ako ng gate at napansin ako ni Mama.

"Oh, ano 'yan?" Nguso ni Mama sa dala ko.

"Project po namin sa Good Moral and Values. Aalagaan daw namin na parang anak namin. Parang ewan." Ngumiti si Mama sa'kin tapos sinenyasan akong lumapit para tignan si Zandrei.

"Mama! Yung hose! Natalsik na mga tubig sa kalsada!" Sigaw ko habang lumalapit sa kanya.

"Ay, ay!" Tumakbo si Mama papunta dun sa faucet malapit sa garden namin at pinihit 'yung faucet. Nagpunas si Mama ng kamay sa nakasampay na tuwalya. "Patingin nga."

Inabot ko sa kanya si Zandrei. "Parang totoong baby 'yan Mama." In-explain ko 'yung mga features ng doll at parang kumunot naman ang noo ni Mama.

"Iba na talaga ang panahon ngayon ano? May mga ganito na. O'siya, pakainin mo na 'yang anak mo at baka gutumin 'yan. Tignan mo, kulay dilaw na 'yung pangalawang ilaw." Sabay turo ni Mama dun sa ilaw na may label na F O O D, at inabot sa'kin si Zandrei.

Bigla naman akong nagtaka kay Mama. Ano nga palang ipapakain ko dito? Gatas ba? Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko. Laki kasi akong breastfeed.

"Ma, may bottle pa ba tayo dyan? Yung pang-baby?" Tanong ko kay Mama.

"Ha? Yung chupon?" Tumango ako at kumunot ang noo ni Mama tapos natawa. "Meron dyan 'yung gamit ng kapatid mo dati, hanapin mo sa cabinet sa taas ng lababo."

Pumasok na ako sa loob pagkasabi ni Mama n'on. May kapatid kasi ako, si Sam. Seven years old na 'yan ngayon. Masinop sa bagay si Mama kaya alam kong hindi pa naman 'yon bulok na o marumi. Bibilhan ko na lang ng bago si Zandrei.

Oo nga pala, wala na palang gatas pambata dito. Puro Alaska na lang, at yun ang gamit namin. Pwede kaya 'yun? Kaso hindi pambata. Hindi naman siguro 'to mapili. Saka laruan lang naman 'to.

Inilapag ko muna siya dun sa dating higaan ni Sam, yung crib niya sa kwarto. Sinimulan ko siyang timplahan ng Alaska sa mainit na tubig. Pagkatapos, pinuntahan ko siya sa kwarto ni Sam.

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon