Three

309 33 18
                                    

I'm dedicating this chapter to you. Hello, graduating na tayo pareho. Haha. Ako sa HS, ikaw sa Elem. So good luck, i-enjoy mo ang highschool life, dahil 'yun ang pinakamasayang level ng education :)

Chapter Three

"LAHAT KAYO MERON ng partner ano?" Sumigaw lahat ng 'Opo.' "Wala na bang problema ba sa mga partner niyo?" Halos lahat nagsabi ng 'Oo.' Tumingin ako sa likod para makita ang ekspresyon ng partner ko. Poker face. Nakakainis. Ayaw niya ba akong ka-partner? Okay, ayaw ko rin naman sa kanya ah. No choice lang talaga ako.

"Ganito kasi ang activity na ipapagawa ko sa inyo. Lahat ng handle kong section, may gagawin activity. Kaya lang iba't-ibang uri ng activity. Pero lahat naman ay may kinalaman sa paghahanda sa inyong pag-aasawa sa hinaharap."

Biglang umingay ang buong klase. Napangiwi ako. Pag-aasawa? Lumingon ulit ako kay Luke at napatingin siya sa'kin. Sinamaan lang ako ng tingin at tumingin na lang ulit siya sa harap. Gan'on din ako.

"Rak ituuuuuu!" Sigaw ni Genesis. Tumawa ang mga lalaki.

"Tahimik muna." Sabi ni Ma'am. "Hindi porket pag-aasawa ang topic, gagawin niyo ang ginagawa ng mag-asawa ha? Hindi 'yon." Tumahimik ang klase. "Meron akong ibibigay sa inyo na o-orderin ko pa na manika." 

Parang kumunot lahat ng noo ng buong klase. Manika? Ano naman kinalaman ng manika dito? Pag-aasawa tapos manika?

"Yes, tama. Manika. Manika pero may baterya. At ibang klase ang manikang 'to. Gaya nga ng sabi ko. Someday when you get married, you'll be having, of course your children." Ah it makes sense now. Aalagaan namin 'yung manika gan'on? Yung lang pala, hindi naman 'yun nakakaramdam. Haha. Pero what for? Parang walang kwenta naman 'tong activity na 'to.

"Aalagaan niyo ang manikang ibibigay ko sa inyo. Gagawin niyo ang mga ginagawa sa totoong sanggol." Ano? So papakainin din? Haha. Mukhang ewan. As if. "Take note ha, ibang klase ang manikang 'to. Meron itong record kung kelan niyo papainumin ng gatas. Papalitan ng lampin. At kung anu-ano pa." Tumawa ang ilan sa klase. Para kasing ewan 'yung mga sinasabi ni Ma'am. Papainumin ng gatas? Bakit, kaya ba n'ong lumunok? Haha! "Quiet! Makinig kayo. Pumipikit 'tong manika, gumagalaw, it's flexible. Nagagawa nito ang mga gawain ng isang totoong sanggol. Yun lamang ay hindi ito totoo. Kayang umiyak, magbawas, magutom. Bukas, sa next meeting natin, makukuha ko na 'yong mga manika at ipapakita ko sa inyo ang ibang parts. It's called RealCare Infant Simulators." Sinabihan din kami ni Ma'am na magprepare ng pera para sa infant simulators. "Maliwanag ba?" 

Tumango ang mga kaklase ko at nag-opo naman ang ilan. Kasama na ako d'on. 

"Okay," tumingin sa wall clock si Ma'am. "Class dismiss, nagextend na pala ng 10 minutes, hehe."

Tumayo ang Candor, "Goodbye and thank you Mrs. Ramos."

Pagkalabas ni Ma'am, biglang umingay ang buong klase. Lalo na si Genesis.

"Ang boring naman ng activity ni Ma'am. Yun lang? Mag-aalaga ng bata? Akala ko ba pag-aasawa?" Pagsasalita niya sa mga boys. May mga nag-agree na mga lalaki. 

Yung mga babae, tuwang-tuwa, excited daw. Ako nga rin medyo nae-excite.

"Ibig sabihin, parang magiging mommy at daddy tayo d'on sa doll? HIhihi" Humagihik si Monica at si Sheena.

"Oo Sheena. At ako ang daddy ng anak natin." Kumindat si Jayvee. Si Sheena naman nag-blush at hindi maka-imik. 

Economics ang susunod na subject namin. Dahil wala pa naman si Ma'am, lumapit ako kay Luke at ibinigay 'yung parent's consent niya.

"Ito oh." Inabot ko sa kanya.

Kinuha niya naman nang wala man lang sinasabi.

TAPOS NA ANG Economics at di ko namalayang tapos na pala kasi halos bumagsak na 'yung mata ko sa antok. Nagising ang diwa ko nang sinabing, "class dismissed!" Gusto ko nang umuwi pero may Filipino pa, ang last subject sa hapon. Naalala ko naman 'yung film viewing. Sa saturday na 'yon, nae-excite tuloy ako. 

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon