Eight

257 27 15
                                    

Chapter Eight

PAGKATAPOS KONG MALIGO, magbibihis na ako. Napa-facepalm ako nang maalala kong wala pala akong dalang towel. Pa'no to? 

"Luke?" Wala sumagot. Wala rin akong naririnig na ingay sa labas. Umalis na kaya siya? Grabe naman. Ang sabi ko sa kanya dyan lang siya habang naliligo ako eh. Paano ako magbibihis nito?

"Luke?" Tawag ko ulit. Mas malakas. This time, sumagot siya. Nakahinga ako nang maluwag.

"Bakit?"

"Walang tuwalya dito eh." Sagot ko.

"Tss. Dapat kanina mo pa 'yan sinabi. Kuha lang ako." Narinig ko ang ingay na naidulot ng upuan sa pagkakakaluskos nito sa sahig. Tumayo na siya for sure para kumuha ng tuwalya.

Hinintay ko siyang bumalik. 

Wait a minute! Pa'no ko makukuha 'yung tuwalya? Eh wala na akong saplot ngayon? Hindi kasi ako sanay maligong may naiiwan na underwear. Oh my goood. Natataranta ako sa naisip ko. Pa'no ko kukunin? 

Napatalon ako nang bahagya nang marinig ko ang katok sa pinto sa harapan ko. Si Luke na 'to sigurado.

"Hoy." Tawag niya. Hindi ko pa rin binubuksan ang pinto. "Hoy anong ginagawa mo dyan? Dalian mo nga. Nangangawit na ako dito." Tumigil siya sa pagkatok.

"U-um. P-pano ko ba kukunin?" Pagtatanong ko.

"Tss. Ang engot naman. Edi buksan mo 'tong pinto." Nakikita ko na sa isip ko ang mukha niyang meron nang kunot-noo. Ang sungit!

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nagtago sa gilid. Mukha ko lang ang inilabas ko at dali-daling kinuha ang twalya saka agad na isinarado ang pinto. Niyakap ko ang tuwalya at narinig kong nag-chuckle siya. Nagfe-fade ang chuckle kaya alam kong lumalayo na siya sa pinto.

Nang maisuot ko na ang mga damit na ipinahiram niya sa'kin. Natawa ako sa luwag. 'Yung pajama, kailangan ko pang higpitan nang mabuti ang strings at itaas hanggang sa may bewang kasi sobrang luwag sa'kin. 'Yung t-shirt naman, itinupi ko sa may balikad kasi nagiging raglan.

Lumabas na ako ng banyo nang maayos ko na lahat ng suot ko. Nakita ko siyang nagtatambol gamit ang mga palad niya sa mesa. Nang makita akong nakalabas na ng banyo, tumingin siya sa'kin.

"Ang tagal mo naman." Sabay kunot ng noo niya.

Nauna siyang naglakad pabalik sa kwarto niya. Nang makatalikod siya, tinitigan ko ang likod niya. Bakit kailangan niyang maging ganun kagwapo kahit nakatalikod? I snapped at my thought. Aisshh. Kung anu-anong naiisip ko. Nagsimulang na rin akong maglakad nang hindi ko namaaninang ang pigura niya mula sa kinatatayuan ko sa kusina.

Nakapasok na siya ng kwarto at nasa sala pa rin ako nang maalala kong naiwan ko pala 'yung mga dati kong damit kanina sa banyo. Bumalik ako para kunin 'yung mga damit. Natatawa ako sa sarili ko. Napakamakakalimutin ko talaga.

Nang makuha ko na ang tuwalya, naglakad na ako pabalik. Nasa sala na ako nang maramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko dahil sa biglang pagkamatay ang ilaw. Brown out ba? Hinanap ng kamay ko ang kung anong pwedeng makapitan, at sa wakas nakahanap ako ng parang kabinet dahil gawa ito sa kahoy. Kinakabahan talaga ako. Kung sa bahay nga namin nanginginig ako sa takot tuwing nawawalan ng kuryente at gabi, pa'no pa kaya dito sa bahay ng ibang tao? Lalo pa at hindi ko rito kabisado. Lumakas ang tibok ng puso ko. Naiiyak na ako. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Mama pero wala naman siya dito.

Kinakapa-kapa ko pa 'yung kahoy para mas makalapit ako. Nagulat ako nang may bumagsak sa sahig at nabasag. 

"Shet!" Napamura ako. Nasan ba kasi si Luke? Hindi niya ba naiisip na nandito ako sa bahay nilang mag-isa? O iniisip niyang nasa banyo na ako at naliligo na? Nakakainis.

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon