Nine

248 26 14
                                    

This is dedicated to azcballyssa! I enjoyed reading your comments. I hope you'll support it all the way. Salamaaaat :)

Chapter Nine

"HUH?! CELINE? WALA akong kilalang Celine! Sino naman kaya yun best?" Tanong sa'kin ni Jessa matapos kong i-kwento sa kanya ang nangyari kagabi.

Nasa canteen kami ngayon ni Jessa kasama ang partner niyang si Ivan. At kasama naman ni Ivan ang kaibigan niyang si Jayvee. At kasama ni Jayvee si Sheena. Wow, so ano to? Couple table? Aishh. "Yun na nga eh. Wala akong kilalang Celine." Mahina lang ang mga boses namin habang nag-uusap dahil baka may makarinig.

"Ah! May kilala akong Celine!" Biglang sigaw niya. Napatingin sa amin sina Ivan, Jayvee at Sheena.

Sinenyasan ko siyang hinaan lang ang boses. "Sino?"

"May pinsan akong Celine sa Cebu. Hehe." She grinned.

Inirapan ko na lang siya at ibinagsak ang balikat ko. Ipinagpatuloy ko na lang kainin ang lunch na inorder namin. Nang mapatingin ako kay Jayvee, nakatingin siya sa'kin na parang may iniisip. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah. Wala. Hahaha." Tumawa siya.

Inirapan ko din siya saka na ulit kumain. Habang kumakain ako, hindi ko pa ring mapigilan ang sarili ko kundi isipin ang Celine na 'yun. Kainis, ba't ko ba iniisip ang Celine na 'yan? Wala akong paki. Ano naman kung tinawag akong Celine ni Luke?

Teka nga, ano na bang oras? Tumingin ako sa orasan pero nahagip ng mata ko si Jayvee na nakatitig ulit sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. "Ano bang problema mo? Crush mo 'ko no?" Pagbibiro ko sa kanya.

Tumawa lang siya at nakita kong yumuko si Sheena. "Uy Sheena! Biro lang 'yun. Mas bagay kayo." Tukso ko sa kanya at nakita ko siyang nagblush. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Jayvee. Habang pinapanood ko sila, napagtanto ko kung bakit laging nakatingin sa'kin si Jayvee. Magkaibigan sila ni Luke, diba? Magkasama sila sa Badminton. Tama! Baka kilala niya si Celine!

Aantayin ko na lang na matapos kaming kumain dito saka ko siya kakausapin. As if on cue, narinig namin ang tunog ng bell. Nagsitayuan na kaming lahat. Nahuli akong tumayo kasi ako ang nasa pinakadulong upuan.

Kakausapin ko sana si Jayvee habang pabalik ng room pero magkatabi sila ni Sheena. Si Jessa naman katabi si Ivan. Napaka-forever alone ko dito. Medyo lumayo ako nang konti, naiilang kasi akong maglakad kasama ang mga couples na 'to. Hindi naman talaga sila couple, pero halatado naman na may "something" sa mga 'to.

Puro kamalasan at kahihiyan ata ang naibigay ng araw na 'to sa'kin. Lalo na kaninang umaga.

*flashback*

May narinig akong ingay sa paligid. Iyak ng isang bata. Sino naman kaya 'yun? Malaki naman na si Sam para umiyak nang gan'on. Iminulat ko ang mga mata ko. Teka, hindi ko 'to kwarto ah? Bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa ospital ba ako? Ward ba 'to? Bakit may ibang pasyente? At umiiyak pa. Iniikot ko ang tingin ko sa paligid at nahagip ko ang isang lalaking nakatayo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para luminaw ang paningin ko. Nakita ko si Luke na hawak si Zandrei at isinasayaw.

Teka.. Luke?! Napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga. "Anong ginagawa ko dito?!" Sinuri ko ang buong kwarto at naalala ko ang nangyari kagabi. Napatakip ako ng bibig bigla. Tumingin ako sa kanya at nakita kong masama ang tingin sa'kin.

"Nabagok ka?" Sarkastiko niyang tugon. "Kasama kita kagabi." Natigilan ako. Anong ibig niyang sabihin? Hinawakan ko ang ulo ko at naalala ko ang nangyari kagabi. Naalala ko si Celine. Ibinuka ko ang bibig ko para tanungin kung sino si Celine, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat tanungin. Paano kung personal na bagay 'yun? Base pa naman sa pagkakasabi niya, parang importante ang taong 'yun.

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon