Twelve

237 23 13
                                    

This chapter is dedicated to my partner! :)

Chapter Twelve

HINDI KO ALAM kung nasaan ako ngayon pero isa lang ang masasabi ko. Para akong nasa isang paraiso. Nakatapak ako sa isang lugar kung san napapaligiran ng mga luluntiang puno at halaman. Napakatahimik. Ang naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibong sumisiyap-siyap. Iyon ay isang mockingbird marahil. Para talaga akong nasa isang paraiso. Hindi ko maalala kung pa'no ako napunta rito pero nagpapasalamat ako at napunta ako sa ganitong lugar.

Bahagya akong umikot para tignan ang buong paligid. Walang tao. Wala akong kasama ni isa. Naglakad ako para maghanap ng kasama. Imposible naman mag-isa lang ako sa malaparaisong lugar na ito.

Puro mga puno, halaman at mga makukulay lang na bulaklak ang nakikita ko. Wala akong makita ni anino ng isang tao. Suddenly, napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ako ng gutom. Ilang araw na ba akong hindi kumakain at bakit ganito na lamang ang pananakit ng tiyan ko? Muli, nagpatuloy akong maglakad para maghanap ng bahay o kahit kubo man lang diyan na pwede kong mahingan ng pagkain.

May naapakan akong tuyong dahon na siyang dahilan para magkaroon ng ingay ang paligid. Napahinto ako dahil na rin siguro sa pagkabigla sa tunog. Pero mas nabigla ako sa sumunod na nangyari.

Nakita ko sa harap ko ang isang malaking hayop. Hindi ko alam ang tawag dito pero masyadong nakakatakot. Nakipagtitigan lang ako sa malaking hayop na nasa harapan ko dahil sa takot. Unti-unti siyang lumalapit papunta sa akin. Mabagal siyang maglakad pero hindi ko mapigilan ang kaba sa panahong ito. Naglakad ako paatras habang nakatingin pa rin sa hayop na nasa harapan ko. Nang malapit na siya sa'kin ibinuka ko ang bibig ko para sumigaw. Pero walang lumalabas na tunog.

Sa mga panahong ito, nag-panic na ako nang sobra. Kung posible man yun. Naghahyperventilate na ako.

"Huwag kang gumalaw," narinig ko ang boses ng isang lalaki mula sa likod ko. Pamilyar ang boses na yun. Yun ang boses na naririnig ko tuwing wala ang teacher at siya nag nagpapatahimik ng klase. Yun ang boses na naririnig ko tuwing CAT. Yun ang boses naririnig ko tuwing nagkakagulo kaming magkakaklase. Yun ang boses ng superiority ni Luke.

Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Maraming tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Kung nasaan talaga ako. Kung pa'no ako napunta sa lugar na ito. Kung bakit wala man lang ibang tao. At kung anong ginagawa ni Luke sa lugar na 'to kasama ko.

Nawala ako sa mga iniisip ko nang magsalita siya ulit.

"Hindi ko na kakayanin pag may mawala ulit na importanteng tao mula sa'kin."

"Ate!" Nabigla ako sa mahinang pasigaw na boses mula sa kwarto ko. Doon ko lang nalaman na nananaginip pala ako. Weird. Anong klaseng panaginip 'yun? Anong ibig sabihin ni Luke? "Ate bumangon ka na dyan! Kakain na!" Nagsalita ulit ang bubwit kong kapatid.

"Tanghali na ah! Tulog pa rin yan?" Narinig ko ang mahinang boses ni Kuya habang kinakausap si Sam mula sa labas. "Hoy! Bumangon ka na dyan!" Kinatok ako ni Kuya habang sumisigaw.

"Babangon na!" Sigaw ko rin habang pilit na pinakakawalan ang sarili mula sa strong pull of gravity ng kama ko. Niligpit ko na ang mga unan papunta sa unahang bahagi ng kama. Itinupi ko ang kumot saka ipinatong sa mga unan.

Ang weird talaga ng panaginip ko. Bakit si Luke? Ilang araw na rin pala ang nakalipas simula nang malaman ko ang tungkol kay Celine. Simula nung nalaman ko yun, maraming nag-iba sa akin. Ngayon, mas tinitignan ko siya bilang si Luke na namatayan ng girlfriend, at hindi lamang isang masungit na President sa klase. Ngayon, mas napapansin ko na si Luke hindi lang sa loob ng classroom, kundi pati sa labas. Ngayon, mas nasusubaybayan ko siya. Mas naging aware ako sa presensiya niya.

Completely UnintentionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon