Chapter 19

5.4K 109 1
                                    

Chapter 19:

HATING-GABI na nang magising siya ulit. Bumangon agad siya at hinagilap ang sariling cellphone.

Tinignan niya kung nagreply ba si Jake sa kanya. Pinadalhan niya kasi ito ng mensahe kanina bago siya makatulog. Tinanong niya kung alam ba nito kung nasaan si Ace.

Nakita niya ang apat na missed calls na galing sa mga kapatid niya. Hindi na niya natawagan muli ang mga ito. Masyadong okupado na ang isip niya sa mga nangyayari sa ngayon.

Wala siyang natanggap na pagtugon ni Jake sa mensahe niya kanina.

Laglag ang balikat na tinungo niya ang living room ng bahay. Naabutan niya ang kaibigan na nakatulog na sa isang long sofa. Kinumutan niya ito.

Mukhang napagod sa paglilinis. Tinotoo talaga nito ang sinabi na maglilinis ito ng bahay nila. Wala na ang mga basyo ng bote kanina. Wala na rin ang mga nagkalat na basag na salamin. Pero ang TV'ng basag ay naroon pa rin.

Pumunta siya ng kusina pagkatapos. Naabutan niya ang luto ng kanin at bacon sa lamesa. Ipinagluto na rin siya ng kaibigan kanina. Nagtimpla siya ng gatas bago kumain.

Saktong kalalagay pa lang niya ng pinagkainan sa lababo, sunod-sunod ang narinig niyang pagtunog ng doorbell.

Nagsuot muna siya ng jacket na may hoodie dahil baka mahamugan siya. Nakita niya sa labas ng gate si Jake na inaalalayan si Ace. Lupaypay na talaga ang asawa niya.

Pinagbuksan niya ito ng gate. Ipinasok naman ni Jake ang kaibigan papasok ng bahay. Puro mura at reklamo sa pagiging mabigat ni Ace ang narinig niya mula kay Jake.

"Lasing?" Aniya kahit na halata naman na. Hindi niya lang napigilan na sabihin ang tanong sa utak niya.

"Oo... Fuck! Ang bigat talaga... Nakita ko sa sports club. Lasing na lasing. Balak atang magpakalunod sa alak. Muntik pa ngang hindi nabayaran lahat ng inorder na alak. Ako pa nagbayad! Sisingilin ko talaga 'tong gagong 'to."

Tumulong na rin siya sa pag-alalay sa asawa na makapasok ng tuluyan sa bahay nila. Tinulungan na nga rin siya ni Jake na ihatid ito mismo sa kwarto nila.

Hinatid niya palabas ulit ng bahay si Jake.

"Salamat, a? Pasensya na rin. Gusto mo bang magkape muna?"

"Hindi na..." Ngumiti ito. "May trabaho pa 'kong iniwan sa bahay. Hinanap ko lang siya n'ong nabasa ko 'yong text mo."

Hinawakan niya ang kamay nito. "Maraming salamat talaga, Jake."

"Wala 'yon! Sige na... Aalis na ako. Alagaan mo 'yang gago mong asawa."

Nagpakawala siya ng ngiti. Tinanguan na rin niya ito.

Nang makalabas na ng gate ang binata, pumasok muli siya ng bahay.

Naabutan niya ang kaibigan na mukhanh kagigising lang.

"Sino 'yon?"

Mukhang nagising ito dahil sa pagbukas niya ng gate.

"Si Jake. Hinatid lang si Ace."

"O? Nandyan na? Lasing, 'no?"

Tumango siya. "Salamat nga pala sa paglilinis at... pagluluto."

"Wala 'yon. Uuwi na rin ako. Babalik ako bukas. Kokotongan ko 'yang walanghiya kong kapatid."

Nakipagbeso ito sa kanya bago umalis na ng tuluyan. Sinigurado niya munang naka-lock ang lahat ng bintana at pinto bago umakyat ng kwarto nilang mag-asawa.

Naabutan niyang nakahilata pa rin ang asawa. Nilapitan niya ito. Pinunasan ng towel na basa. Pinalitan na rin niya ito ng damit.

Nang matapos, humiga na siya sa tabi nito. Tinitigan niya ang nahihimbing na asawa. Sinubukan niyang matulog pero hindi pa rin siya mapakali kahit na katabi na niya ang asawa. Umikot siya ng higa, tinalikuran niya ang asawa. Pumikit siya ng mariin pero hindi talaga siya dinadalaw ng antok.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon