Chapter 8

6.5K 129 2
                                    

Chapter 8:

"LOVE, matagal ka pa ba dyan?"

Napangiti siya. Kanina pa naghihintay ang binata sa kanya. Ang tagal kasi niyang naligo sa loob dahil gusto niya pa talagang magbabad sa bathtub, napatayo lang siya dahil kanina pa siya tinatawag ng binata mula sa labas.

"Wait. Patapos na."

"Dali na, love. Nagugutom na ako. Wala na tayong grocery."

Napatawa na lang siya dahil sa narinig na pagmamaktol ni Ace. Ang aga-aga naman kasi nitong magyaya! Pagkamulat pa lang ng mga mata niya, niyaya na agad siya nito.

Parehas silang nag-day-off sa trabaho dahil halos isang linggo na silang babad parehas sa trabaho. Gusto naman nilang magkaroon sila ng quality time. Gusto nilang mag-bonding kahit na sa buong isang araw lang.

Lumabas na siya at nagmadaling nagbihis. Nadatnan niya pa si Ace na nakahiga sa kama nila. Sineryoso na talaga nito ang pagsasama nila sa iisang kwarto. Sa ngayon, magdadalawang linggo na silang magkasama sa isang kwarto at naging masaya naman sila.

Nang makapagbihis, agad niyang hinarao si Ace.

"I'm done. Tara na?" Aniya.

"Ang tagal mo, love. Kanina pa ako nagugutom." He pouted. Kinurot niya ang ilong nito at hinila na patayo.

"Tara na nga!"

Nagpahila naman ito sa kanya at sabay silang lumabas ng bahay. Magkahawak-kamay nilang narating ang grocery store.

Pagkaapak pa lang nila sa pintuan, pinagtitinginan na agad sila ng mga taong namimili.

Sino nga ba namang hindi mapapalingon sa direksyon nila? Arvis Ace is a head turner. And Winter is wearing a short shorts plus an over-sized shirt of Ace. Para silang bagong kasal na kailangan mag-grocery para sa bago nilang bahay.

Agad kumuha ng tray si Ace. Sunod lang siya ng sunod habang kuha ng kuha si Winter ng mga kakailanganin nila.

"What do you want for lunch?" Ani Winter sa boyfriend.

"Ikaw ba?"

Tinignan niya ng masama si Ace. "I'm asking you, 'wag mo ibalik sakin 'yong tanong."

He pouted. "Galit ka na nyan?" Nabigla siya sa biglang pagyakap ni Ace sa likod niya. PDA! "I'm sorry, love."

Napatingin agad siya sa palagid. Marami ng nakatingin sa kanila. Namataan pa nga niya ang isang matandang babae na may kahawak-kamay na lalaking matanda na rin, nakangiti silang parehas sa direksyon nila.

Gusto niyang tanggalin ang kamay ni Ace sa baywang niya pero at the same time, she don't want to. Wala na siyang pakialam kung masabihan sila ng Public Display of Affection. Wala na talaga siyang pakialam. Ang tanging alam lang niya, napakasarap sa pakiramdam na binabalot siya ng mga braso nito.

"Honey, OA mo." She laughed.

Muntik pa siyang magprotesta nang biglang tanggalin nito ang pagkakayakap sa kanya. Hinarap siya nito ng may nanlalaking mata.

"What did you say?"

Tinaasan niya ito ng kilay. Anong sinasabi nito? Parang may nakakagulat sa sinabi niya. Nakakagulat ba na over-acting ito? Halatang-halata kaya!

"Ulitin mo 'yong sinabi mo."

"OA mo?" Aniya. Hindi siya sigurado kung ano bang pinapaulit nito sa kanya.

"No. Not that! 'Yong bago 'yon."

"Honey?"

At napanganga siya. Parang normal lang naman kasing lumabas sa bibig niya iyon. Hindi nga niya napansin na may ibinigay siyang endearment dito. Pero ngayon, napanganga talaga siya nang mapagtanto ang sinabi. Sinabi ba talaga niya iyon? Hindi siya makapaniwala!

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now