Chapter 10

5.4K 106 0
                                    

Chapter 10:

TATLONG araw ng wala si Ace. Tatlong araw ng paulit-ulit lang ang routine sa araw niya. Papasok, magtatrabaho, uuwi, matutulog.

Tatlong araw pa lang pero bakit parang isang taon na ito para sa kanya? Hindi man lang kasi tumawag si Ace! Ang huling mensahe nito ay n'ong nakarating na ito sa Palawan pagkatapos n'on, wala na ulit. Hanggang ngayon, naghihintay siya.

Ang dami-dami ng pumapasok sa isip niya. Hindi kaya may nakilala na itong babaeng kasing tanda nito roon? Hindi kaya may nililigawan na ito doon? Hindi kaya nakalimutan na siya nito?

Kumikislot ang puso niya sa sakit tuwing naiisip ang mga posibilidad na iyon. Natatakot siya na baka isa roon ay totoo. 'Wag naman sana. Inaabala na lang niya ang sarili para mawala sa isipan ang mga masasamang naiisip niya.

Gusto na niyang matapos ang isang linggong pagdudusa niya. Kung pwede lang niyang talunin ang araw ay ginawa na niya. Gusto na niyang makita, makausap at mahawakan ang kasintahan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagtatrabaho nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nagmamag-asang si Ace ito kaya mabilis pa sa alas kuwatro niyang kinuha at binasa ang dalawang mensahe.

Ang isa ay galing kay Jake at ang isa ay galing sa... unknown number.

Una niyang binuksan ang mensahe ni Jake.

You busy? Samahan mo ko tomorrow.

Nagtipa agad siya ng irereply kay Jake.

Where? When?

Wala pang dalawang minuto, tumunog na agad ang cellphone niya.

Mall. Bibili ako ng ipangdedecorate sa new condo ko.

Isang "Sure :)" lang ang isinagot niya sa huling mensahe ng binata.

Kailangan niya ring lumabas-labas. Halos maagawan na kasi niya ng trabaho ng manager ng restaurant niya. Nabubugnot na rin siya sa tatlong araw na pagkulong sa opisina niya.

Sunod niyang binuksan ang mensahe na galing sa hindi kilalang numero.

Hi Winter. Are you free today? Let's eat lunch together :)  -Jocko

Napangiti na lang siya nang mabasa ang pangalan ni Jocko sa hulihan ng mensahe. Pagkatapos ng ilang araw, sa wakas ay nagtext na rin ito.

Napawi na lang bigla ang ngiti niya nang mapagtantong walang mensahe galing sa kasintahan niya. Naghihintay pa rin siya. Sa wala lang ba talaga siya naghihintay?

Hindi naman masamang paunlakan ang paanyaya ni Jocko, diba? Magkaibigan sila at hindi dapat pag-isipan ng masama ang relasyon nila ng kahit na sino.

Sure :) saan tayo magkikita?

"ANONG gusto mong gawin pagkatapos? Maaga pa naman."

Napatingin siya kay Jocko. Maaga pa nga naman. Wala na rin naman siyang gagawin pa sa opisina niya.

"Wala ka na bang trabaho after this?"

Nakangiting umiling ito.

"Ipagluto na lang kita sa bahay ko. Is it okay with you?" Nakangiting aniya.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon