Chapter 12

4.9K 121 3
                                    

Chapter 12:

NGAYON ang balik ni Ace sa bahay nila kaya umaga pa lang, umalis na siya ng bahay at pumasok sa restaurant niya kahit na wala naman siyang trabahong gagawin.

Tumunganga lang siya sa screen ng laptop niya. Nang magtanghali, kumain siya at naisipan niyang pumunta sa Ob-gyn clinic pagkatapos. Nagpa-schedule siya ng check-up bukas.

After that, pumunta siya sa malapit na grocery store para bumili ng gatas niya.

Papalabas na sana siya ng grocery store nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Hindi niya nabosesan n'ong una pero nang tawagin siya nito ulit, nakilala na niya ito. It's Jocko.

"Hey!" Bati niya.

"What are you doing here? Walang work?" Anito.

Umiling siya at ipinakita ang nabili.

"Milk?" He smirked. "I didn't know that you love milk."

Alanganin siyang napangiti. "I want to be healthy, is that bad?"

Tumawa ang binata. "Health conscious?"

"No." Tumawa na rin siya. "What are you doing here?"

"Buying cake."

"For whom? For your girl?" Aniyang nakangisi.

"If your my girl, then yes. I'm planning to go to your restaurant and surprise you with a mocha cake. Hindi ko alam na makikita pala kita rito."

"Wow! Thanks. Aren't you busy?"

"No. I just want to celebrate! Na-close ko na 'yong kasong hinahawakan ko."

"Wow!" Tinapik niya ang balikat ng binata. "Congrats. Tara? Celebrate tayo sa office ko."

Nakangiti itong tumango. Hinawakan nito ang siko niya. Kinuha rin nito sa kanya ang pinamiling hawak at ito na ang nagbuhat. Inalalayan siya nito sa paglabas ng store.

Nang makalabas, napako ang atensyon niya sa 7eleven na katabi ng grocery store na pinuntahan niya. Parang gusto niyang kumain ng marshmallow. May nadaanan siya sa loob ng grocery store kanina pero hindi naman siya nagkaroon ng interes doon. Hindi niya alam kung bakit nang makita niya ang 7eleven ay bigla niyang naisip na gusto niya ng marshmallows.

"Pwedeng pumunta muna tayo ng 7eleven? I want marshmallows."

Tinignan siya nito ng nakangiti. Napanguso siya. "Mayroon sa loob ng grocery store. Gusto mong bumili ako?"

Umiling siya at hinawakan ang braso nito. "Ayaw ko d'yan. Gusto ko sa 7eleven."

Tumango si Jocko at hinawakan ang kamay niya. Marahan siyang hinihila nito papasok ng 7eleven.

Nagningning ang mata niya nang makita abg stall kung saan maraming marshmallows. Bumili siya ng apat na pack nito at pumunta ng counter.

Inagaw ni Jocko ang hawak niyang apat na packs ng marshmallow at ito na ang nagbayad.

"I will pay you later---"

"No, Winter. Hayaan mo na akong bayaran 'to."

Tinitigan niya ng masama si Jocko. Pinisil nito ang pisngi niya at nginitian siya.

"Ang sweet naman po ng asawa niyo, Ma'am."

Napabaling ang tingin nilang dalawa sa cashier na babae.

"Bagay na bagay po kayo."

Ngumiti lang si Jocko samantalang siya ay nakasimangot. Hindi naman kasi sila mag-asawa. Oo at magkakaanak na siya pero wala siyang asawa.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now