Chapter 1

11.5K 236 11
                                    

Chapter 1:

ISANG malakas na tugtog ang nagpagising sa nahihimbing na si Winter. Kunot na kunot pa ang noo nya nang imulat ang mga mata. Puyat na puyat sya kagabi dahil may umarkila ng restau nya at dahil kulang sa chef, pinili nyang tumulong sa mga empleyado nya. At tatlong oras pa lang ang tulog nya at heto, nagising agad sya.

"Good morning sleepyhead."  Napatirik ang mata nya nang dumungaw sa pintuan ang nakangising si Faymine. Ito pala ang pasimuno sa malakas na tugtog na nagpagising sa kanya.

"Shut up. Patayin mo nga 'yong tugtog. I need more sleep."

Ipinikit nya muli ang mata pero napamulat ulit sya nang maramdaman nyang hinihila nito ang paa nya.

"Ano ba, Faye?! Stop! Inaantok pa ako."

"Mamaya kana matulog! Samahan mo ko sa airport."

"Bakit? May flight ka ba ngayon?"

Umiling lang ang kaibigan. Nasanay na kasi sya sa paglabas-pasok ng bansa nito dahil isa itong sikat na fashion designer.

"Ano pala?"

"Remember Arvis Ace?"

Nanlalaki ang matang napangiti sya. "Babalik na sya?"

Nakangisi naman itong tumango. "Really? Wait for me. Five minutes, mag-aayos na ako."

Dali-dali syang tumayo at nagbihis. Finally! Makikita ko na ulit 'yong nagsilbing bunsong kapatid ko.

MULING napasulyap sa relo si Winter. Dalawang oras na silang nag-aabang sa pagdating ni Ace pero wala! Maski ni anino nito ay wala syang matanaw. Si Faymine nga ay nagpapadyak na sa sobrang pagkairita na nararamdaman. Ang usapan kasi ay alas-nuwebe ngunit eleven na ng tanghali at wala pa ito.

Napabuntong-hininga sya nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura. Ni hindi kasi sya nag-almusal kamamadali dahil mag-a-alas-nuwebe na n'on.

"Masasapok ko talaga 'yong lalaki na 'yon kapag nakita ko. Alam nyang ayaw kong pinaghihintay."

Jusko! Halos umusok na ang ilong ni Faymine. Nasanay kasi ito na laging eksaktong oras dahil sa trabaho nito.

"Tawagan mo nga." Utos ni Winter sa kaibigan. Naiiritang kinuha nito ang cellphone at padabog na nagtipa.

"Hello?... Arvis, na----"

Nagtatakang tinignan nito ang kaibigan nang nakita nya na parang gulat na gulat ito. What happened?

"Anong nangyari?" She asked. Wala syang nakuhang sagot mula rito kaya minabuti na lang nyang agawin ang cellphone at inilapit ito sa tainga nya.

"Fuck." She cussed. Sino ba namang hindi mapapamura kung ang maririnig mo sa kabilang linya ay puro ungol at halinghing? Gumagawa sila ng milagro! Gosh!

Hindi sya lubos makapaniwala sa naririnig sa kabilang linya. Ang batang itinuring nyang parang bunsong kapatid ay gumagawa ng isang makapigil-hiningang milagro. Ngunit saan? Nakalapag na ba ito ng Pilipinas? Mukhang hindi ito sumipot sa kanila para makipagtalik.

"Ace?! Nasaan kana?" She shouted. Imbes na sagutin ang tanong nya, narinig na lang nya ang end tone. Pinatayan nya ako!

"Fuck that brother of yours!" She hissed to Faymine. Her friend just laugh at her. Gustong-gusto talaga ng kaibigan nya na nakikita syang napipikon. Namumula na kasi sya sa inis.

Pabagsak syang umupo at bumuntong-hininga. Mukhang malaki ang ipinagbago ni Ace at mahihirapan syang makasundo ito ngayon. People really change.

"Finally!" Nagulat sya sa sigaw ni Faymine kaya napaangat ang tingin nya at sinundan ang tinitignan nito.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now