Chapter 9

5.5K 119 1
                                    

Chapter 9:

MULI na namang tumunog ang telepono sa opisina niya kaya kunot-noo niya itong binalingan.

"Hello. Winter Kaye Montello speaking. What can I do for you?" Bungad niya.

"Ganyan ka ba talaga sumagot sa mga tawag? That sounds so hot, love."

Tinanggal niya ang salamin at sumandal sa swivel chair. Hindi na niya matanggal ang ngiti dahil narinig ang boses ng binata.

"Aren't you busy, honey?"

"Kinda. Namiss lang kita kaya ako tumawag. Lunch?"

"Where?"

"At your restau."

"Sure."

"Okay. Call you later, love. May meeting pa ako. I love you."

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "I love you more."

"I love you most."

At doon natapos ang pag-uusap nila. Bumalik na lang ulit siya sa trabaho. Talagang abala siya sa inaasikasong isang malaking event na mangyayari sa isa sa mga branches ng restaurant niya. Kailangan niya talagang pagtuunan ng pansin ang isang 'to. At dahil hindi siya nakapasok kahapon, kailangan niyang mag-overtime para mabawi ang nasayang na araw niya sa pagtatrabaho.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng isang invitation nang biglang tumunog ang cellphone niyang nasa tabi niya lang.

Tumigil siya sa ginagawa at dinampot ang cellphone. It's a message from Ace.

I can't make it this lunch, love. I'm sorry. Ang daming pinadala na papeles ni daddy sakin. Iloveyou ;* Babawi ako mamaya.

Nagtipa siya ng isasagot sa mensahe ng kasintahan.

Okay lang, honey. Don't work too much.

Napangiti siya nang may maisip na plano. Bibisitahin na lang niya ang kasintahan! Magluluto siya at dadalhin ito sa opisina nito. She really wants to eat lunch with her boyfriend. Di bale ng mag-overtime siya sa trabaho, makita lang niya ang binata.

Agad niyang isinagawa ang naisip na plano. Nagluto siya ng menudo para sa kanilang ulam. Nang agad matapos, pumara na siya ng taxi at tinahak ang daan patungo ng opisina ng binata.

Mayroon siyang sariling sasakyan pero hindi niya magamit. Hindi naman kasi siya marunong magmaneho. Natatakot siya na baka makasagasa siya o madisgrasya.

Taas-noo siyang pumasok ng kompanya na madalas nilang puntahan ni Faymine pero hanggang lobby lang siya dahil mag-isa lang ni Faymine na umaakyat sa taas. Tinitignan lang nito kung may ibinigay ba na trabaho ang ama nito.

Agad siyang namukhaan ng ibang empleyado kaya nginingitian siya ng mga ito.

"Excuse me miss, where is the office of Mr. Versoza?"

"Si sir Arvis Ace Versoza po ma'am?"

"Yes."

"Sa 25th floor po ma'am."

Nginitian, tinanguan at pinasalamatan niya ang napagtanungang guard.

Agad siyang pumasok sa elevator at tahimik na tinungo ang opisina ng kasintahan. Paniguradong mabibigla ito.

Wrong Seduction(MontelloSeries#1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now