Seed 13

1.3K 11 4
                                    

"Kung may ipapangalan ka sa akin, sino ako?" Isa ito sa mga tanong na hindi ko malimutan.

Habang naglalaro ang mga ilaw ng apoy mula sa kanyang mga mata. Sumasayaw  ang mga hibla ng hindi ko maintindihang kulay ng kanyang buhok at malambing na pagpikit ng mga mata habang hinhintay ang sagot ko.

Kayang-kaya kong titigan ang mukha niya kahit gaano katagal, simula sa unang beses na nakita ko siyang nagpapawis at tila pinagsaklubang ng langit at lupa nung araw na yun.

"Ikaw si... Seed." Sagot niya habang nakangiti at parang tila kinikilig.

"Seed.." Hindi ko alam kung saan galing o kung ano ang pumasok sa isip niya, siguro mukha akong si Seed. Sino si Seed? Pero hindi na ako nagtanong.

Tumayo ako, ngumiti at pinipigil maluha sa pagkakataong yun. Yun ang unang pagkakataon, pagkatapos ng matagal kong pagtatayo ng malaking pader sa katauhan ko. Hindi ko namalayang unti-unti itong nagiging marupok hanggang sa masilip ko ang maganda niyang mukha.

Inabot ko ang aking mga kamay at muling nagpakilala sa kanya.

Gamit ang pangalang binigay niya sa akin.

----

Akala ko noon, mas marami pang lungkot at pighati ang maidudulot sa akin ng pag-ibig. Bihirang bihira mo lang mararanasan na talagang masaya ka. Madalas sa una lang, pagdating mo sa kalagitnaan, mawawalan ka ng gana at magsisisi na sana nanatili ka nalang mag-isa sa buhay mo.

Pero sabi nga nila, kapag nakilala mo na siya, ang tanging tao na handang gibain ang ano mang matibay mong pundasyon para hindi ka masaktan. Hahayaan mo lang siyang sirain ito makasama ka lang. Pero hanggang sa dulo, muli't-muli, ayoko ng pag-ibig. Ayoko maging masaya dahil ayokong maging malungkot. Hindi ko kaya.

Ayoko siyang baguhin. Pero hindi ko kayang manatili sa ganong lagay na hindi ako kumportable dahil siya ay siya.

---

"Miss.. Miss.." Banggit ko sa kanya na parang hindi niya ako naririnig. Nagaalala na parang may hinahabol na oras, siguro late na siya sa klase? sa trabaho? Habang pinagmamasdan ang nagpapawis niyang leeg, hindi ko mapigilang mapatitig.

"Miss.." Pangilang banggit.

"Ay shit, sorry.." Nakita ko na sa wakas ang mukha niya.

Mahabang pilik mata, kakaibang kulay ng buhok, pink-orange-red-black-at brown. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Magandang mata na nakakaakit, magandang hugis ng labi, namumulang mga pisngi at katawang naliligo na sa pawis. Mainit ang panahon, pero nangingibabaw parin ang natural niyang ganda. Simula nung araw na yun, sa gitna ng maraming tao, siya lang ang tanging nakita ko.

Ang bilis niyang naglakad papalayo sa akin, dala siguro ng hiya, Hindi na siya muling lumingon, akala niya siguro ay galit ako dahil ako ang sumisita sa kanya. Ang natatangging taong sumita sa kanya sa paghaba-habang pila. Kahit nagmamadali, sigurado akong nakita ko siyang ngumiti bago siya lumayo at umalis sa pila.

Dali-dali akong naglusot ng coin sa machine para makakuha ng ticket. Hindi naman ako nagmamadali, wala rin naman akong hinahabol na oras. Pagkakuha sa lumabas na Card, dali-dali ko siyang hinabol. Alam ko na kailangang kailangan na nya yun, nung mga oras na yun.

"Miss.." Hindi siya lumingon. Hindi nanaman niya ako narinig.

Naisipan ko nalang siya kalabitin, lumingon siya, nakita ko nanaman ang magandang niyang mukha. Namiss ko agad kahit ilang minuto palang ang lumipas.

"To oh.."

"Ha?"

"Ito oh, ticket?.. sa MRT? Mukhang hindi kasi tinatanggap ng machine yung pera mo.." At tumawa ako sa kakaiba at mabilis na pagbabago nang mukha niya. Mula sa mukhang parang pinagsakluban ng langit at lupa, naging mukha siyang anghel na bumaba mula sa langit.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon