Seed 7

1.9K 20 3
                                    

Babae ako, kaya siguro hindi kita maintindihan..”

Kahit gaano pa katindi ang pagmamahal lalo na kapag bago ito, ang dami mong gustong iplano, ang dami mong gustong gawin kasama ang taong pinili mong mahalin. Sa sobrang dami, iniisip mo na sana bumilis ang oras at ang lahat ng ito ay magawa niyo na nang magkasama. Ultimo ang pangalan ng magiging anak o ilan ay nagawa niyo naring pagplanuhan. Ganun talaga siguro kapag bago, bata at masarap pa ang pag-ibig.

Pero kapag tumatagal, maraming magbabago. Siguro kahit gaano ka pa katagal nagpaligaw, hindi mo parin masasabi na kilala mo na siya, o pwedeng hindi rin masusukat sa tagal ng panliligaw mo sa kanya para malaman mo kung siya na talaga ang gusto mo. Basta, ang gusto mo lang mapatunayan mo kung gaano mo siya kamahal at ikaw, in return, kung babae ka tulad ko, maramdaman mo kung gaano ka kaimportante sa kanya. And in the process, ang kaya niyang gawin para sayo.

Sa tagal ng pagsasama, Hindi ko alam kung paano niya nagagawa to sa akin, na araw-araw binibigyan niya ako ng dahilan para maramdaman ko na ito ang unang pagkakataon na naranasan kong magmahal..

Isa sa mga bagay na napagkasunduan namin noon, kailangan naming magopen sa isa't-isa kahit isang beses lang sa isang linggo. Kahit siya yung tipo ng tao na ayaw umulit-ulit, lalo na kung topic ito tungkol sa kung bakit kami minsan nagaaway, hindi siya humindi sa usapan na yun. Actually, siya ang nag-suggest.

“Importante ang komunikasyon, gaano man tayo kalapit o kalayo sa isa't-isa..” Sabi niya. Sabay ngiti at tumawa.

Hindi ko alam kung bakit ganito siya, na parang lahat ng bagay sa kanya magaan. Kaya siguro sa lumipas na isang daan o higit pang pag-uusap isang beses sa isang linggo, nasusurvive namin ang relasyon na meron kami dahil kung ako mabigat, siya yung tipo ng tao na magaan. Relax siya sa lahat ng bagay. Lahat ng bagay, ultimo problema ngingitian niya.

Isa lang naman ang ayaw ko, alam ko na kapag kailangan niyang umiyak dahil sa mga personal niyang problema, ayaw niya akong isama dun kung nasaan man siya, ayaw niya akong isama kapag gusto niyang umiyak. Never sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kami, never ko siyang nakitang umiyak.

Sa tinagal-tagal na yun, hindi ko parin siya naiintindihan. Minsan tuloy naisip ko kung totoo ba tong nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

Once a week. Ang paguusap na yun, Isang heart to heart talk, Usap na kailangan maging totoo kami sa isa't-isa. Pure honesty. Parang retreat o reconcillation. 

“Wag mong isipin na masasaktan ako kung may nagawa kang mali at kailangan mong magsabi ng totoo, Sabihin mo lang. Isipin mo na mas masasaktan ako kapag nalaman kong nahirapan ka sa mga araw na tinago mo yun sa sarili mo. Ayokong nahihirapan ka. “

Yun ang sinabi niya sa akin. Parang ang hirap tuloy magkasala sa ganitong klase ng lalake sa isip-isip ko. Kung sa bagay, in the first place, hindi naman niya deserve ang kahit anong sakit na manggagaling lalo na sa akin na araw-araw nagsasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung mahal ko siya hindi ko siya sasaktan.

Pero hindi yun maiiwasan e, kung sino pa yung taong sinasabi mong mahal mo, yun pa yung masasaktan mo ng matinding-matindi.

..Pero sa tagal ng pagsasama. Darating at darating ang panahon na parang magsasawa ka nalang. Kaya siguro iniiwasan niyang gumawa ng bagay na paulit-ulit dahil iniiwasan niyang maramdaman ko yung sawa sa piling niya. Hindi ko alam, siguro sa sobrang pag-iwas niyang maranasan ko ito, hinanap hanap ng puso at isip ko yung sawa. Sawa sa katotohanang, hindi ko talaga siya maintindihan.

Kada maguusap kami, isang beses, isang buong araw, minsan sa isang linggo. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na sana kahit saglit maintindihan ko siya, na sana marinig ko ulit yung salitang kinaiinggitan ko sa ibang kababaihan. Na minsan, sana.. Hindi lang puro gawa. Kailangan din ng salita. Akala ko, okay ako sa ganung set-up. Hindi ko masabi yun sa kanya dahil iisipin niya na hindi ko siya mahal dahil kakaiba siyang lalake, na wala siyang katulad. Na hindi ko siya tanggap at nagdedemand ako na gusto ko siyang baguhin.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon