Seed 9.5

1.5K 19 3
  • Dedicated kay Edward Julian
                                    

Siguro kung alam niyang sulat ako ng sulat ng mga bagay tungkol sa kanya, hindi niya yun magugustuhan. Ayaw niya kasing pangarapin ng mga tao ang isang katulad niya, katulad ng pagpangarap ko sa kanya, tingin niya hindi niya daw yun deserve.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang araw na to, pang-ilang labas. Isa lang ang alam ko at uulit-ulitin sa inyo, araw-araw, araw-araw kong nararamdaman na ito palagi ang una kong pag-ibig. Nahihiya parin akong hawakan ang mga kamay niya o sumandal sa kanya para maamoy yung kinaadikan kong pabango niya. Hindi ko alam pero parang kahit na ang lapit, kapag nadapuan lang ng daliri niya yung palad ko, o masanggi ng braso niya yung braso ko, feeling ko maeexplode ako ng wala sa oras. Sasabog ako kapag hindi ako nakatili. Ganun ako ka-inlove.

Siguro kapag nalaman niyang sinusulat ko ang love story namin, hindi niya aakalain na sa lahat ng bagay, bawat bagay na ginagawa namin, nakasulat. Na balang araw, pangangarapin ng iba, ng kapatid niya, ng pinsan. Kaibigan... maraming magugustuhan ang magkaroon ng kagaya sa akin, ng sarili nilang Seed.

Alam ko na hindi ako matatapos, hindi magkakaroon ng pagkakataon na makarating to sa mga taong nakakakilala sa kanya, o sa mga nakakakilala sa akin. Habang buhay magiging parte ng memorya at papel ang anumang masasaya at malulungkot naming ala-ala. Hindi ako magsisisi o malulungkot, proud ako sa mga ginagawa ko at hindi ko rin siya pinagdadamot. Pero siguro, okay na to.

“Click.. click..”

Wala akong ibang magawa kundi pagmasdan siyang kunan ng mga litrato ang buong palid ng perya. Oo nga pala, hindi lang siya magaling magluto, mag-gitara o kumanta. Mahilig din siya sa photography pero hindi siya bihasa. Kung hindi yung mga bundok ang nakikita ko sa preview ng camera niya, mga mukha ko. Mukha kong tulog, bagong gising, bagong ligo, nagdidilig, nanonood o kumakain. Bumili siya ng camera para daw kunan ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kung anong itsura ko ng ganitong araw, nung nakaraang linggo. Gusto niya laging makita ang mukha ko. Kung hindi man kami magkasama, naging assignment ko na ang pagkuha ko sa sarili ko ng litrato, araw-araw. At sa susunod na magkikita kami, kailangan may maibigay ako sa kanya.

Hindi ko rin siya madadaya dahil kahit magpalit-palit ako ng damit. Alam niya kung kinuha lang sa isang araw lahat ng picture na ibibigay ko. Simula nung nagkaroon siya ng ganung kakayahan, hindi ko na siya madaya. Kahit tamad na tamad ako, kailangan kong gawin. Mapapangiti nalang ako kapag naaalala ko kung para saan ang mga yun. Gusto niya akong makita araw-araw kahit pa hindi kami magkasama.

Siguro kahit nakapiring ako, kung hahawakan ko siya sa likod, sa buhok, sa ilong at kakapain ang mga labi niya, malalaman ko agad na siya si Seed. Ganun ko na kasaulo ang buong mukha niya at hubog ng katawan. Kahit siguro anino, ganun talaga siguro kapag mahal mo. Merong bagay sa kanya na wala sa iba, alam mong siya lang ang meron nun.

Lumingon siya sa akin at ngumiti habang hawak-hawak ang camerang nakatapat pa sa mga batang bumibili ng cotton candy.

“Gutom ka na ba?” tanong niya.

Umiiling lang ako para sabihing hindi.

Ngumiti siya bilang sagot sa akin, lumapit siya at inakbayan ako. Pagkatapos ay hinalikan ako sa ulo.

"Ang ganda dito no? parang lahat masaya" tanong niya sa akin habang muling tumingala sa kalangitan.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming paro-paro nung araw na yun kahit na sobrang dami ng tao. Animo'y sila rin eh gustong makipaglaro.

"Hhhmm.." bilang pag sang-ayon sa kanya.

Kapag tinititigan ko si Seed, habang nagsasalita o kahit nakasteady lang siya at walang ginagawa. Hindi ako nagsasawa, hindi ko alam kung bakit. 

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon