Seed 2

2.8K 27 1
                                    

Hindi kayo maniniwala kung ilang beses na kaming nagkasabay, nagkita at nagkabunggo ni Seed.

Sa twing iisipin ko kung paano nagsimula ang lahat, hindi ko maiwasang maiyak at kiligin na parang kapag binabanggit ko ang pangalan niya, lagi kong nararamdaman na parang first time ako umibig. Biruin mo sa dami ng beses, hindi kami magtagpo, hindi kami magkakilala, pero siguro.. May kung anong power tong ala-ala ko kaya magagawa ko pang ikwento ito sa inyong lahat.

First time ko nakita si Seed eh nung pasakay ako ng MRT, Galing akong santolan, papuntang Cubao. Peste lang yung init ng panahon nung araw na yun, balot na balot pa naman ako dahil umalis ako ng bahay na madilim ang ulap. Bet ko talaga uulan, nakajacket pa ako. Pagdating sa Estasyon, punyetang sarap, bilang sumikat ng sobrang masikat at init ang araw, phew. Great.

Anyway, dahilan sa ayokong makipila, chineck ko kung meron pa akong barya para doon nalang ako sa parang vending machine thingy, ano nga bang tawag dun? nakalimutan ko na namimili yun ng piso!! Hindi siya tumatanggap ng 2010?, 2001? 2009? Yun ang hindi ko na maalala. Inis na inis na ako nun kasi nilalabas nung machine na yun yung mga pisong hinuhulog ko, wala talaga siyang tinatanggap! pahaba narin nang pahaba ang pila kahit saan. Ang init init pa. Hayy, umakyat na yung dugo ko sa ulo, tinutuktok ko na yung machine sa sobrang asar ko, tanga-tanga ko lang dahil binabalik ko pa yung piso na nilalabas niya, nakakasar.

"Miss.."

Naka-puti, naka-salamin at nakabraces na green. Yun ang unang pagkakataon na nakita ko si Seed. Siguro naman napagdaanan niyo na tong lahat, na kapag may nag magandang loob sayo, kahit gaano pa kabadtrip ang araw mo, himalang, POOF! goodmood ka na.

"mahaba na yung pila.. sa likod mo..."

parang sa pelikula nakatitig lang ako sa kanya..

"Miss, yung pila.. sa likod mo.. "

"Ay shit, sorry.."

At bigla akong tumabi at umalis na sa pila, naglakad ako papalayo sa kahihiyan. Hay, sayang! Sayang ang pagkakataon! Nakakahiya kaya hindi na ako naglakas loob na lingunin siya, siya ang nakapagpagoodmood sa akin, ako ang naging dahilan ng pagkabadtrip Pero hindi e, hindi siya badtrip, nung sinabi niyang mahaba na ang pila, nakangiti siya, kaya nga nakita ko ang braces niya eh, green.

"Miss... Miss.."

Oh shoot. 

"Miss.."

Sabay kalabit sa akin.

"To oh.."

Pagtingin ko sa kanya. Promise, hindi ko sinasadya, napatitig nanaman ako sa mukha niya.. 

"To oh.."

"ha?"

Hindi na kami magkaintindihan.

"to oh, ticket... card? sa MRT.. Mukhang hindi kasi tinatanggap ng machine yung pera mo, hahaha."

Sabay tawa niya, yun ang unang beses na narinig ko siyang tumawa. Hindi mo alam kung paano ka tatawa kasi parang hindi naman yun joke. :\

"Ay, eto.."

sabay bukas ko sa bag ko at kuha sa papel kong pera.."

Hinawakan niya ang kamay ko at sinara ito, tinulak niya pabalik ang pera ko sa akin habang pinipilit itong isara.

"Okay lang, magkano lang naman yan.."

.."ah eh.."

"Sige na, kunin mo na yan.. Hindi araw araw, makakaexperience ka ng libre.."

Sabay lagay nito sa palad ko.

"Thank you ha.."

"Walang anuman.."

Tinapik niya ako at naglakad siya papalayo, habang ako parang naging bato. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko siya nasundan, nastunned ba. Parang ganun.

Limang minuto ata akong nakastuck sa pwesto ko bago ako lumagapak ulit sa tunay na mundo. Naririnig ko na ang ingay ng tren mula sa ibabaw. dali-dali akong umakyat, siksikan na ang mga tao, papasok sa trabaho at sa eskwelahan, siguro yung iba papauwi pa lang.

Shoot, sa isip isip ko. Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan mo.

Habang nakatayo sa loob ng MRT, at nakikinig sa music na paulit-ulit tumutugtog sa tenga ko, hindi ko makalimutan yung mukha nya. Hindi ko malimutan, shit. Hindi ko nga malimutan.

tumingin ako sa paligid, pero sa dami ng taong nakaputi, malamang hindi ko siya mahahanap. Pero impossibleng hindi dahil mukha niya lang ang pinakamagandang mukhang nakita ko. Yung mga ngiti niya, lalo na yung malambing niyang tawa.

Panahon na para bumaba, siksikan ang tao na makalabas, wala man lang magbigay.. Lahat gusto agad-agarang lumabas at pumasok. Nang biglang may bumunggo sa akin, yung amoy.. yung amoy.. pinakamabagong amoy ng lalake na naamoy ko, siya, siya yun. Si seed.

Pero dahil siksikan ang tao, at katulad ko nakikinig din siya ng music, hindi niya siguro ako narinig.

"Seed.."

Yung ang unang unang beses na tinawag ko siyang Seed. Seed ang pinangalan ko sa kanya dahil paglabas ko, sinubukan ko siyang habulin, Baka mahabol ko pa! Sa dinami dami ng tao.. Hindi ko na siya nakita.

Hindi ko na nalaman ang pangalan niya, tinawag ko siyang "Seed"

Seed, dahil hanggang ngayon, nakatanim sa akin lahat ng ala-alang iniwan niya.

Magkita pa kaya tayo?

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon