Seed 6.5

1.5K 15 3
                                    

"Hindi mo matatapos yan..."

---

Palubog na ang araw nung nagising ako. Magisa, sa sofa. Tatlong taon na kami, pero kahit na madalas akong magising mag-isa, hindi parin ako sanay. Madalas naluluha parin ako kapag hindi ko siya nakikita sa tabi ko, kahit na minsan lang kami magkasama matulog at magising, hindi parin ako sanay.

Bumangon na ako nung makita ko sa orasan na alas kwatro y medya na nang hapon. Walang nanagyari sa araw ko, natulog lang ako. Minsan, parang ang sarap lang naman talaga magpahinga, pero madalas parang gusto mong sisihin ang araw mo na wala ka man lang nagawang productive.

Isang linggo na akong hindi nagsusulat, baka kalawangin ang utak ko, mawalan ako ng inspirasyon. Oo nga pala, noon. Sumusulat lang ako kay Seed, ngayon, ginawa ko na siyang storya. Ang dami kong gusto sa buhay, akala ko ang gusto ko eh maging direktor, pero ngayon parang nasa puso ko ang pagsusulat, pagsusulat kung saan ako at si Seed ang bida.

Ang sakit ng katawan ko.

Siguro umuwi na si seed, hindi man lang niya ako ginising bago siya umalis.

Dumeretcho ako sa kusina, sa pinto ng ref kung saan madalas siyang mag-iwan ng note sa akin sa tuwing nagkakasalisi kami, or--katulad ngayon na mahimbing ang tulog ko at ayaw niya akong gisingin. Si Seed, siya yung lalaki na kahit magkagalit kayo, hindi pwedeng hindi siya mag-iwan ng note kung umalis na ba siya, ayaw niya yung pakiramdam na pinagaalala niya ako, yun ang sabi niya sa akin.

"Left.." Ang sabi sa note niya.

Isa pa, hindi lalagpas ng tatlong salita ang mga note na iniiwan niya. Lagi niya lang ilalagay kung saan siya pupunta sa mga note. Like "kumain.." "Home" o "shop".. Hindi yung parang mga malanobelang note. Bahala kang magisip kung anong shop, basta sinabi niyang Shop, ibig sabihin bumili siya.

Gusto niya lagi kong tandaan yung quote niyang "Wag ko siyang hahanapin.. O hihintay" na hanggang ngayon, hindi ko magets, kung para saan. Sa tuwing maiisip ko yun, pakiramdam ko lagi niya akong iiwan.

"Left"

Ah, siguro umuwi na siya. Pero kung umuwi.. Dapat "Home.."

At tsaka ko naisip na tumingin sa aking kaliwa.

Sa Garden.. Sumilip ako sa bintana.

Nakikita ko siyang nagyoyosi at nakagloves, habang nagyoyosi.

Lumabas ako at ngumiti sa kanya. Pagkakita niya sa akin, pinatay niya agad ang sigarilyo at tinapon ito sa plastic na nasa tabi niya, may mga sanga sanga ng halaman sa plastic na yun. Mukha siyang pawisan.

"Hi.. Beautiful.." Ngumiti siya at biglang hinalikan ako sa noo.

"Sarap nang tulog natin ah.." Banggit niya habang tinatanggal ang gloves na punong puno ng dumi ng lupa.

"Anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Hmmmm.." Sabi niya habang mukhang nagiisip.

"Matagal ko na tong ginagawa, nakakapagtakang hindi mo yun napapansin.." Sabi niya sa akin.

"Nagtanim ka?" Yun ang hula ko dahil may nakita akong mga supot ng buto ng iba't ibang klaseng bulaklak at sprinkler, idagdag mo pa yung mga pambungkal ng lupa.

"Matagal na akong nagtatanim.." Sagot niya.

"Pero ngayon lang kita nakitang nagtanim.." Pagtataka ko.

"Hmmm..." Sagot niya na parang siya ang Classic Seed na kilala ko.

Hindi siya sasagot ng tanong kapag naiinis siya o ayaw niya lang talaga sagutin or pwedeng alam ko na ang sagot sa tanong ko.

Dear Seed,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon