Run!

2.4K 81 5
                                    

"Saan kayo pupunta?" Sabi nito sa nakakatakot na boses. Inihagis nito ang sako sa aming paanan at ang laman nun ay lumabas at nagpagulong-gulong palapit sa amin. Binalot kami ng matinding takot at kilabot nang makita ang bagay na inihagis sa amin.

ANG ULO NI MARICAR!

Hinawakan ni Joss ang kamay ko at mabilis akong hinigit pabalik sa loob ng bahay. Agad ko ring hinablot sina Jean at Jhoii. Nakatingin lang sa amin ang mga kulto.

"Isarado niyo ang pinto!" Sigaw ni Joss, ng marinig iyon ay parang nalaman ng mga kulto ang gusto naming gawin kaya nagmamadali silang umakyat para pigilan ang pagsara namin ng pinto.

Ubod lakas naming tinulak pasara ang pinto, maglalapat na sana ito pero may brasong kumalang sa gitna  ng pinto, dahilan para hindi namin ito tuluyang maisara.

"Wag niyong intindihin yan!" Sabi ni Joss. "Isara niyo lang ang pinto."

"Pero naiipit siya." Sigaw ko habang pilit tinutulak ang pinto.

Naririnig namin ang sigaw ng isang lalaki sa labas pati na rin ang nakakatakot na boses ng mga kulto habang umuusal ang mga ito ng salitang hindi namin maintindihan.

"Teka lang!" Sabi ni Jhoii at tumakbo ito papunta sa kusina.

Napatingin ako sa nakaipit na braso, nangingitim na ito at lumalabas na ang dugo mula sa parteng naiipit. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbukas ng pinto dahil umalis si Jhoii, nabawasan ang aming pwersa.

Nagulat na lang kami nang nagmamadaling naglakad si Jhoii papalapit sa amin, may dala siyang malaking itak. Bago pa man kami makapagsalita ay tinaga niya na ang nakakalang na braso sa pinto dahilan para magtalsikan ang dugo sa aming mga mukha. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ng lalake sa labas Bumaon ang itak pero hindi ito naputol.

"Jhoii! A--anong ginagawa mo?" Naririnding sigaw ni Jean.

"Kung kinakailangan kong pumutol ng braso para makaligtas ay gagawin ko!" Sigaw niya habang umiiyak at muling tinaga ang braso, at sa pagkakataong iyon ay naputol na iyon.

Nawala na ang kalang kaya naisara na namin ang pinto. Nilock namin iyon.

"Hindi kayo makakatakas!" Sigaw ng lola ni Luigi mula sa labas.

Binaling ko ang aking tingin kay Jhoii, tinapon nito ang duguang itak palayo at umiyak ng umiyak.

"Tara sa likod bahay! Duon tayo dumaan!" Sigaw ni Joss. Hinila ko ang nagpapanic na si Jhoii at tumakbo kami papunta sa likod bahay.

Agad na binuksan ni Joss ang pinto at mabilis kaming tumakbo palabas. Pagtingin namin sa magkabilang gilid ng bahay ay nakita namin ang paparating na liwanag ng mga sulo. Narinig din namin ang kanilang mga papalapit na yabag.

"Tara na!" Sigaw ni Jean, para kaming natauhan at mabilis na tumakbo sa mga puno ng niyog na nasa unahan namin. Pagtingin namin sa likuran ay nakita namin ang mga kultong nakaitim. Tumatakbo sila at hinahabol kami. Ang iba ay may dalang pabilog na lubid na pinapaikot nila sa kanilang ulunan.

Nagmadali kami sa pagtakbo. Kung gaano kabilis ang pagtakbo namin ay ganun din kabilis ang tibok ng puso namin.

Napasigaw ako ng isang pabilog na lubid ang bumalot sa leeg ni Jhoii habang tumatakbo. Nagkatinginan kami at hahawakan ko sana ang kamay niya pero biglang hinila ng lalaking nakaitim ang tali dahilan para humigpit iyon at masakal si Jhoii, napahiga siya at napatigil ako pagtakbo.

"JHOII!" Sigaw ko. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit kong tinatanggal ang tali sa leeg niya. Masyadong mahigpit ang tali, hindi ko kayang tanggalin!

Kulto [Soon to be published under LIB]Where stories live. Discover now