Revelation

2.9K 76 5
                                    

Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang makarinig ng tunog. Nakita kong nakangiwi si Joss habang kumakamot sa likod ng kanyang ulo. Pinandilatan ko siya.

"Ano ka ba naman Joss!" Pabulong kong sabi sa kanya. "Pangpito mo na yang paggawa ng ingay ha. Magdahan-dahan ka naman!"

He mouthed 'sorry'. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahalungkat sa mga gamit ni Mando.

Nandito kasi kami sa kwarto ni Mando at naghahanap ng isang bagay na parisukat at kulay asul.

"Paano mo naman nasabi na nandito yung bagay na hinahanap naten?" Pabulong na tanong ni Joss sa akin. "At saka, ano ba yung hinahanap naten?"

Natigil ako sa paghahalungkat sa damitan ni Mando at inisip kung ano nga ba ang aming hinahanap.

"Hindi ko din alam!" Sabi ko kay Joss. "Basta maghanap ka ng bagay na parisukat at asul."

Napakamot siya sa kanyang ulo na para bang naiirita.

"Mahirap kaya maghanap ng hindi mo alam kung ano yung hinahanap mo." Bulong niya. "At saka, bakit ba dito tayo sa kwarto ni Mando naghahanap?"

"Nakita ko kasi sa litrato na Mando ang pangalan ng lalaki, kaya naisip ko na dito makikita ang bagay na magrereveal sa ikatlong mensahe." Paliwanag ko sa kanya.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga yabag, napatingin kami sa isa't-isa, parehong nakikiramdam. Papalapit ng papalapit ang mga yabag. Nagmadali naming inayos ang mga gamit, pasok dito, pasok doon. Saktong naisara na namin ang mga drawer na hinahalungkat namin ng biglang hawakan ni Joss ang mga kamay ko at hinila ako sa likod ng malaking cabinet na kahoy.

Teka! May isang maliit na parisukat na kahoy akong nakita sa ilalim ng kama ni
Mando. Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak ni Joss sa kamay ko at tumakbo palapit sa kama ni Mando. Pilit kong inaabot ang kahon pero masyado itong malayo.

"Em!" Pabulong na tawag ni Joss. "Em halika na! Magtago ka na dito!"

Hindi ko siya inintindi, pilit ko pa ring inaabot ang maliit na kahon. May pumihit ng door knob at pabalyang bumukas ang pinto. Mabilis na nagtago si Joss, ako naman ay natatarantang pumasok sa ilalim ng kama. Napatakip ako sa bibig ko, sobrang lakas ng kaba ko.

Kitang-kita ko ang malaking paa ni Mando. Ilang minuto siyang tumigil sa pinto, pakiramdam ko ay tumitibok ang buo kong katawan dahil sa sobrang kaba.

Humakbang siya, dahan-dahan, para bang ayaw gumawa ng ingay, parang nakikiramdam. Tumigil siya sa tapat ng kama. Lalo akong kinabahan, mas hinigpitan ang pagkakakatakip sa bibig ko.

Lumuhod siya. Dahan-dahan akong napaurong. Nakita kong pinagpapawisang lumabas si Joss sa pinagtataguan niya, nakakuyom ang mga kamao.

"MANDO!" Malakas na tawag ni Aling Magda habang nagmamadaling umakyat papanhik sa hagdan. "Mando, dali! Kailangan ka sa baba!"

Nagmamadaling umalis si Mando at lumabas ng kwarto. Malakas niyang sinara ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag nung lumabas na ng kwarto si Mando. Mabilis na lumapit si Joss sa kama at tinulungan akong makalabas duon. Nang makatayo ako ay agad niya akong hinalikan.

"Nag-alala ako sa'yo" Punong-puno ng pag-aalala niyang sabi sa akin.

"Don't worry! I'm okay! Tara na." Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto.
-


"Em." Sabi ni Joss, napalingon ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa kwarto namin. "Hindi mo ba napapansin na apat na lang tayong natitira dito?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama nga siya, bakit ba hindi ko iyon napapansin? Bakit ba hindi ko nahalatang apat na lang pala kaming natitira dito.

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon