Goodbye Maricar!

2.9K 76 10
                                    

EMERALD’s POV

Bumalik ako sa pagsasalo at agad akong sinalubong ni Joss.

"Saan ka galing?" Nagtataka niyang tanong. "Bakit andami mong sapot sa ulo?"

Tinanggal niya ang mga sapot sa buhok ko.

"Tara, kain na tayo?" Yaya ko sa kanya, ayokong mapag-usapan ang pagpunta ko sa lihim na silid. Ayokong may makaalam, gusto kong malaman lang nila kapag may nalaman na ako. Lumapit ako  sa malaking lamesa na naglalaman ng maraming pagkain.

"Ang daming pagkain." Masayang sabi ni Jean. "Pero nasaan na kaya si Nino? Hindi pa ba niya naaamoy ang mga pagkain dito?"

Natawa ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng pinggan at sumandok ng gulay.

"Bakit gulay kinakain mo?" Singit ni Jhoii. "Ang dami-daming karne oh."

"Ayoko ng karne dito." Mahina kong sabi. "Vegetarian na ako."

"Talaga?" Nagtatakang sabi ni Jean habang kinukunan ng litrato ang mga pagkain. Tinanguan ko siya.

"Well, hindi ako naging tao para lang kumain ng damo." Natatawang sabi ni Jean at saka tumuloy sa pagkuha ng litrato.

Napailing ako, hindi man lang ba sila nagduda nung biglang mawala si Lyka? Psh, baka paranoid lang ako. Sana nga.

Tungkol saan kaya yung nakasulat sa librong nakuha ko? Siguro tungkol yun sa history ng kanilang sitio, o di kaya naman ay mga dahilan ng pagbubukod nila. Tungkol saan kaya yung mga taon na may nakatapat na litrato? Siguro yun yung mga taga dito na umalis para makipagsapalaran sa ibang lugar. Tungkol saan kaya yung mga litrato na nakadikit sa lihim na silid? At bakit may lihim na silid? At bakit may lihim na mensahe sa larawan? Hindi kaya may iba pang lihim na mensahe sa ibang larawan? Ang daming tanong na pumasok sa isipan ko.

"Ahmmm. Joss." Tumingin siya sa akin. "Babalik lang ako sa loob. May kukunin lang ako."

"Nanaman?" Nagtataka niyang tanong. "Sige."

Nagpaalam ako sa iba ko pang mga kasama. Pagpasok ko ay marami ng tao sa loob ng bahay. Tsk, paano ko malalaman kung may mensahe sa ibang larawan, ang dami ng tao. Maraming makakakita. Mabuti pa umakyat na muna ako at basahin ang nakasulat sa librong nakuha ko.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa hagdan at nagmamadaling umakyat. Pumasok ako sa kwarto at nilock ko ang pinto. Dali-dali akong pumunta sa kama at hinila ko ang bag ko. Dinukot ko ang susi na nakalagay sa bulsa ko at in-unlock ang kandado. Kinuha ko ang libro at pinatong iyon sa kama. Sinigurado ko din na nandun yung plug na nakuha ko noon, ng masigurado kong nandun ang plug ay sinarado ko na ang bag. Umupo ako sa kama at kinakabahan kong pinatong ang libro sa aking hita. Binuklat ko iyon at mas lumakas ang kaba ko.

Blangko ang unang pahina. Binuklat ko ulit ito at nabigla ako ng makitang blangko rin ito. Naguguluhan kong binuklat ang mga pahina at nakumpirma kong blangko ang lahat ng pahina. Ano to? Bakit walang laman? Malakas kong sinarado ang libro na dahilan para sampalin ako ng isang malakas na hangin sa mukha. Napakunot ang noo ko ng maamoy na amoy kalamansi ang hangin na nagmula sa libro.

"Emerald!" Malakas na tawag galing sa labas ng pinto ang nakapagpabalikwas sa akin sa kama. Sinundan iyon ng malalakas na katok. "Emerald, buksan mo ang pinto!"

Natataranta kong hinila ang bag ko sa ilalim ng kama at dali-dali kong pinasok ang libro doon. Nilock ko ang kandado at tinago ang susi sa aking bulsa.

"Emerald!" Tawag ulit ng tao sa labas.

Sinipa ko ang bag papunta sa ilalim ng kama at kinusot ko ang mata ko para pumula ito, ginulo ko rin ang buhok ko at mabilis na naglakad papunta sa pinto para buksan iyon.

Kulto [Soon to be published under LIB]Where stories live. Discover now