Ending Part 2

2.9K 87 25
                                    

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Mando. Lumakas ang kaba ko at pinagpawisan ng malapot. Dahan-dahan akong tumingin kay Joss, nakatitig lang siya sa akin at nanlilisik ang mga mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na halos pakiramdam ko ay mababali na ang mga buto sa daliri ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Joss, nasasaktan ako!" Sigaw ko.

"Dapat lang sa'yo 'yan." Ngumisi siya. "Pinatay mo ang lola ko!"

Ano?! Lola rin niya si Lola Remedios?

"P-paanong--"

"Apo rin ako ni Lola Remedios. Pinsan ko si Luigi pero hindi niya iyon alam dahil pinagbubuntis pa lang siya ng nanay niya ay umalis na sila dito sa Sitio. Tumiwalag sila samahan. Tumiwalag sila sa aming pananampalataya."

Gulat na gulat ako sa sinabi ni Joss. Hindi ako makapaniwala na yung lalaking minahal ko ay isa pa lang lider ng kulto. Na yung taong minahal ko ang pumatay sa mga kaibigan ko at papatay rin sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla, nakatingin lang ako sa kanya .

"Hindi talaga alam ni Luigi ang tungkol sa aming samahan kaya nga natuwa ako ng bigla siyang magyaya dito. Nakakatuwa dahil hindi na ako ang kailangang gumawa nun. Hindi niyo ako mapagdududahan 'pag nagsimula na ang patayan dahil aakalain niyong biktima rin ako at si Luigi ang may pakana ng lahat." Tumawa siya ng nakakaloko. "At mukhang nagtagumpay nga ako, dahil pinatay niyo si Luigi, diba?"

Nangilid ang luha ko ng maalala ang ginawa kong pagpatay kay Luigi. Wala pala talaga siyang kasalanan. Kung naniwala lang kami sa kanya ay baka nakaalis na kami at wala ako ngayon sa sitwasyong ito. Pinatay ko ang kaibigan ko. Mamamatay-tao ako! Hindi ko na napigilan ang paghikbi at pagkawala ng masaganang luha.

Ngumisi naman si Joss na para bang tuwang-tuwa na makita akong nahihirapan.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nasa baba nung makita mo ang pangalawang sikretong mensahe? Yun ay dahil minamanmanan na kita dahil alam kong may alam ka na, at tama nga ako, dahil sa tulong ng kuryosidad mo ay nadiskubre ko ang mga sikretong mensahe na ginawa nina Reese na naglalaman ng paraan ng pagpapabagsak sa amin." Binitawan ni Joss ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko. "At si Reese, katulad na katulad mo siya Em. Mautak, punong puno ng kuryosidad at higit sa lahat... pakielamera!" Sinampal niya ako at sinabunutan. Napasigaw ako sa naramdamang paghiwalay ng mga buhok ko sa aking anit. "Katulad mo, si Reese din ang huling natira pero sa huli ay napatay ko rin siya at naialay ang kanyang puso sa aming panginoon. Ganun din ang magiging kapalaran mo."

"J-joss, tig--tigilan mo na 'to. Masama ang--"

"Tahimik!" Sigaw niya at inihagis ako pauntog sa kahoy na pinto, tumama ang noo ko at natumba ako sa tabi ng bangkay ni Lola Remedios. "Hindi ako titigil dahil bilang pinuno, ito ang dapat kong gawin. Ang magdala ng taga-lungsod dito sa Sitio para patayin, ialay at kainin!"

Umikot ang paligid ko dahil sa pagtama ng noo ko sa pinto. Naalala ko ang panahon na masaya kami ni Joss. Yung mga yakap, yung mga tawanan at ang aming mga halik. Lahat pala ng yun ay palabas lang. Lahat ay kasinungalingan.

Lumapit si Mando kay Joss at isinuot sa kanya ang itim na damit na kahawig ng kay kamatayan.

Nangilabot ako habang nakatingin kay Joss, ibang-iba siya. Hindi na siya yung Joss na kilala ko.

Wala na akong kawala, maliban na lang sa isang bagay, kailangan kong maitarak sa dibdib niya ang punyal.

Pasimple kong kinapa ang punyal na nakabaon sa dibdib ni Lola Remedios at ng mahawakan iyon ay dahan-dahan kong hinugot.

Sacrificamos esta chica

Acepte su sangre

Aceptar su alma

Kulto [Soon to be published under LIB]Where stories live. Discover now