Gore [REVISED]

2.9K 78 6
                                    

EMERALD'S POV

"Asan na ba sila?" Nag-aalalang tanong ni Luigi. "Alas dose na ng gabi"

Nakaupo kaming lahat sa sala. Hinihintay ang pagdating nina Joan at Rica. Si Joan ay nagpaiwan sa kakahuyan. Si Rica naman ay hinanap si Joan pero ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Saan na ba nagpunta ang mga iyon? Isang araw pa lang pero mga nagpasaway na.

"Bakit ka mag-aalala apo?" Mahinang sabi ng lola ni Luigi. "Mababait ang mga tao dito, maaaring pinatuloy muna sila. Sigurado akong uuwi rin yun."

"Malapit lang naman po ang bahay natin ah, bakit kailangan pa silang patuluyin?" Sagot ni Luigi.

Tumayo ang lola ni Luigi.

"Matulog na kayo." Sabi ng lola ni Luigi habang umaakyat sa hagdan. "Pasasaan pa at uuwi rin ang inyong mga kaibigan"

"Umakyat na tayo gi." nag-aalalang sabi ko at tinapik si Luigi sa balikat. "Uuwi din yung mga yun."

 "Kumain muna tayo." Sabi ni Nino.

"Wag na, lalo kang tataba." Sabi ni Jean. "Tara na!"

Hinila ni Maricar si Nino paakyat ng hagdan at sumunod na rin kami.

NINO'S POV

Urgh! Nagugutom ako pero paano ba yan? Gabi na at tulog na ang lahat. Lechugas kasi, inubos ng mga to yung pagkain ko pero hindi naman ako pinayagan kumain kanina bago umakyat.

Itutulog ko na lang to.

*Grrggrrggrr*

Ay lechugas! Tumutunog na ang tiyan ko. Hindi ko na kayang tiisin to. Gutom na gutom na ako. Wala naman sigurong masama kung bababa ako at kakain ng kaning lamig.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Madilim ang kabahayan, tanging liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ang nagsisilbing liwanag. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Napapangiwi ako sa bawat langitngit ng hagdan, baka kasi may magising at mahuli ako.

Sa wakas at nakababa na ako. Bongga tong mga malalaking frames dito ha. May mga nakatutok na ilaw, pero nakakatakot naman mga itsura ng mga nasa picture, mga sinaunang tao kasi. Ay teka, bakit ba itong mga frames ang iniintindi ko. Makapunta na nga sa kusina.

Pagbukas ko ng Ref ay napanganga ako. Ang daming pagkain! Ano kayang kakainin ko? Prutas? Tsk, hindi nakakabusog. Gulay? Gawin kong salad, ay kaso wala silang salad dressing. Ay itong kakanin na lang, naglalaway na ako.

Tumayo na ako at sinara ang ref. Naglakad ako papunta sa lamesa pero isang malakas na palo ang naramdaman ko sa batok ko. Nabitawan ko ang kakanin at nawalan ng malay.

--

Masakit pa ang batok ko at nanlalabo ang paningin. May isang mahabang nagbabagang uling sa aking harapan. Sinubukan kong gumalaw pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking kamay, paa at leeg. Nakatali ba ako? Sinubukan ko ulit gumalaw pero mas tumindi ang sakit. Dahan-dahan akong yumuko at nakita kong nakatali ang mga paa ko gamit ang barbed wires. Diyos ko! Sinong gumawa nito?

Cras ut unum.

Confitebimur tibi.

Invitantibus nostris praebet.

Et interficiemus te.

Sino iyon? Anong sinasabi nila? Anong ginagawa ko dito?

"Tu-- tulungan niyo ako" sigaw ko sa namamaos na tinig. "Tulong! Tu-- AAAAHH"

Napasigaw ako ng may humila sa barbed wire sa aking likuran, dahilan para humigpit ang pagkakatali sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng barbed wires sa aking laman. Isang lalaking nakaitim at may hood ang sumulpot mula sa aking likuran

"Conclude!" Sigaw ng taong nakaitim. "Custodiebant non magna. Es inops. Tu perire et comedite amet!"

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Maya-maya pa ay may dalawang lalake na nakasuot din ng itim na may hood ang dumating at may dala-dalang isang babae. Puro dugo ito at durog ang mukha. Nakita ko ang bracelet na suot niya.

"RICA! RICA!" Sigaw ko kahit nahihirapan ako. "Diyos ko! Anong nangyayari? RICA!"

Nasaan kami? Anong nangyayari? Sino tong mga taong nakaitim? Bakit nila kami sinasaktan? Asan ang mga kaibigan ko? Diyos ko, tulungan niyo po kami.

Kumuha ng dalawang malaking itak ang mga lalaking bumuhat kay Rica. Hinubaran nila si Rica ng damit at saka hinawakan ang magkabilang braso. Dinilaan nila ang itak at saka itinaas.

"Waaaagg!" Sigaw ko. Pero tinaga na nila ang braso ni Rica. Naputol ito, hinagis nila ito sa kumukulong tubig sa malaking kawa.

Hindi ko kinaya ang nakikita ko. Napakabrutal ng ginagawa nila kay Rica, at hindi malabong gawin din nila ito sa akin.

Baliw ang lugar na to. Baliw ang mga tao dito. Lumapit sa akin ang isang taong nakaitim.

"Tu postero." Bulong sa akin ng taong nakaitim.

Iniangat ng taong nakaitim ang mahaba niyang itak at dinilaan ito. Itinaas niya ang itak. Humangin ng malakas at nasinagan ng liwanag na nanggagaling sa sulo ang kanyang mukha. Nakita ko ang isang mahabang peklat. Ang peklat na alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari. Ang peklat na tanging sa mukha lang ni Mando makikita.

NARRATOR

Itinaas ng taong nakaitim ang itak at sa isang iglap ay tinaga ang ulo ni Nino. Nalaglag ang ulo. Kumuha ito ng mahabang kawayan. Habang ang ilang nakaitim naman ay inalis ang mga barbed wires na nakatali kay Nino.

Inihiga nila si Nino sa isang mahabang lamesa. Winakwak ang tiyan at tinanggal ang mga lamang loob. Nilagay nila ang mga lamang loob sa isang lalagyan. Inabot ng isang taong nakaitim ang mahabang kawayan. Itinusok iyon sa puwet ni Nino at tumagos naman sa leeg nito. Kinuha nila ang nalaglag na ulo at itinusok rin iyon sa kawayan.

"Ihawin niyo na!" Sigaw ng taong nakaitim na pumutol sa ulo ni Nino. "Palambutin niyo ang laman!"

"Araw ng pagsasama bukas. Tamang-tama ang pagdating ng mga taga-siyudad." Sabi ng taong nakaitim sa kanyang mga kasamahan.

Pumikit silang lahat at lumuhod. Tumirik ang mga mata at nagdasal.

Et interficiemus te.

Confitebimur tibi.

Vos enim moriemur.

Nagsayawan ang mga taong nakaitim. Sa gitna nila ay ang mga apoy kung saan nakasalang ang mga katawan nina Nino at Rica.

Et interficiemus te.

Confitebimur tibi.

Vos enim moriemur.

To be continued...

Kulto [Soon to be published under LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon