Chapter 49 - Launching ( Part 1 )

2.7M 58.7K 45.5K
                                    

Chapter 49 ( MHIAMB : Launching - Part 1 )

Jacob's PoV

 

"Nasaan na ba si Lampe at Boul?" badtrip na badtrip na ako. Kahapon pa silang dalawa hindi mahagilap. Alam naman nilang ngayon ang launching ng toy industry ni Ma'am Aemie. Ngayon pa silang dalawa missing in action? Amputs!

"Pabayaan mo na tol. Susulpot din ang mga yon maya-maya. Antayin na lang natin." isa pa tong Lerwick na to. Puro pag-sulyap sa mga babae ang inaatupag. Psh!

Kanina pa ako naka-tutok dito sa control room. Bawat sulok nitong hotel ay may camera at konektado dito.

Kitang-kita ko din na puro babae at hindi trabaho iniintindi ni Lerwick. "Psh tol. Abangan mo pagdating nila Ma'am Aemie at Boss. Wag chix ang atupagin mo." Utos ko sa kabilang linya.

"Paranoid ka ba dude? O selos? Hayaan mo mamaya. Magqua-quality time tayo."

 

"Ulul! Hwag mo ko itulad sa inyong dalawa ni Lamperouge."

Inalis ko ang suot-suot kong earphones para hindi na madinig ang walang kwentang sasabihin ni Lerwick.

Mas mabuti pang tawagan ko nalang sila Boul kaysa pagtuunan ng pansin ang gag*ng Lerwick na yon.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa ng control room. "Don't!" Sa sobrang gulat ko sa umagaw ng phone sa kamay ko, ay mabilis ko iyong nasuntok. Good thing nakaiwas sya-- "Anong ginagawa mo dito, Miss guardian angel?!" Bulyaw ko. Sira-ulo ba sya?

Paano kung tinamaan sya nung suntok ko. Psh! Mga babae nga naman ngayon!

"You left the door open" Sabi nya saka ini-lock an? pinto ng control room.

Diri-diretso sya sa upuan na kaharap ng mga monitor. "Wag mong pakilaman yan." banta ko. Pero hindi sya nakinig. "Your system was hacked." diretsong sabi nya.

What? "Imposible naman yata yang sinasabi--"

Natigil ako sa pagsasalita nung makita ang ginagawa nya. Impressive. "Don't dare try to make a call. Even SMS" Sabi nya. "Kita mo to?" Mabilis syang nagta-type sa harap ng mga monitor. And now she's showing me a map of the whole place.

"Lahat ng communications inside this area," tinuro-turo nya ang buong mapa. "Ay nadidinig nila."

 

Nila? "Sinong nila?"

 

"4 groups na nakapasok sa system mo Mr. Computer Freak." Napahilamos ako ng mukha at agad na naupo sa tabi nya.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon