Chapter 11 - First Day (Part 3)

3.4M 75.2K 81.5K
                                    

Chapter 11 (MHIAMB 11 : First Day)

 

Part 3

Baby Eisz's PoV (eto yung aso hahaha walang basagan ng trip)

"anong tinitingin mo dyan?" sabi saken nung pusa =_= manang-mana sya sa nagbigay sa kanya parehas silang panget. Bwahaha

"panget mo kasi parehas kyo nung amo mo"

"sus gwapo ko no" sabi nung pusa, sakmalin ko kay to grrrrrr

"aba! mas gwapo ako sayo no! Saka mas nauna akong dumating sayo grrr" talaga naman diba nauna akong binibigay ng kasing gwapo kong amo na si Nico Jeisz Young, kaya ako ang mas mahal at mas aalagaan ni Aemie.

"nauna ka nga, hampas lupa ka naman"

"aba't talagang gusto mong mamatay??! Grrrr"

 

Aemie's PoV

Pagka-alis ni Zeke at Kaizer ay napasalampak ako sa loveseat.

"honeymoon?? ^__^ ano kayang ginagawa pag ganu--teka ano to?"

bulaklak?

Wow ang ganda 

Yung totoo, sa mga movie ko lang nakikita yung mga ganto kagandang bouquet ng bulaklak, mukha kasing mamahalin.

Pero teka..

panong nagkaroon ng bulaklak dito? Wala naman to kaninang umaga ah..

Baka naman pinitas to ni Zeke sa garden sa labas? Oo nga no may basag na paso pa naman sa labas kanina hihihi. Nagbi-business din ba sya ng flower shop? Kaso masyado naman yata magaling at maganda yung pagkaka-arrange ng bulaklak.

napa-isip tuloy ako, wala naman kasi sa ichura ni Zeke ang magtatayo ng flower shop.. Saka diba ang mga gantong ichura ng bulaklak binibigay sa mga nililigawan o kaya naman sa mga girlfriend nila? >\\\\<

Whoaaaa!  napatakip ako ng bibig sa naisip ko..

I-i-ibig bang sabihin

O-M-Y-G-O-D!!!

may manliligaw si Zeke?..

Kung may manliligaw si Zeke, sino naman kaya? Possible kayang si..

Waaaaaaa s-si Kaizer??

Waaaaa kaya ba sila umalis ngayon para mag-date? May dinner date silang dalawa? *pout* eh pero diba ako yung asawa? diba dapat ako yung ka-date ni Zeke? Unang araw pa lang naming kasal pinag-tataksilan na nya ko? At sa isang lalake pa? Huhuhu 

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon