Chapter 42 - Date ( Part 1 )

3M 60.9K 71.7K
                                    

Chapter 42 ( MHIAMB : DATE (Part 1) )

Play nyo yung music mamaya >>>>>

Aemie's PoV

Alas dos ng umaga nung magising ako. Parang isang oras pa nga lang yata ako natutulog eh. Pero ayos lang kasi nakatulog na din naman ako kanina eh. Hehe.

Bumangon ako at naupo sa kama habang nagkukusot ng mata.

Napangiti na lang ako nung mapatingin ako kay Zeke na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hehe. Pinagmasdan ko muna saglit si Zeke. Mas cute pala si Zeke pag tulog eh. Mukang mabait. Isip-isip ko bago umalis sa pagkakaupo sa kama at--

Eh?

Nagulat ako nung biglang hatakin ni Zeke ang kamay ko pabalik sa kama kaya napaupo ulit ako. "Where are you going, wife?" antok na antok pa ang boses nya at nakapikit pa nung tinanong nya yun.

"Sa baba, dong magluluto na ako." sagot ko. Isinubsob naman nya ang mukha nya sa may bewang ko habang nakapulupot ng mahigpit ang mga braso nya saken kaya hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko sa kama.

Waaa ano ba to si Zeke.

"It's too early, wife" halatang-halata pa din sa boses nya ang antok. Ano ba naman to si Zeke "Alam ko Zeke, e diba ikaw may sabi na--"

"But I'm still sleepy" waaaa ang cute ni Zeke hehehe, feeling ko habang sinasabi nya yon naka-pout pa sya. Kaso di ko naman kita mukha nya eh.

Pero--"Pwede ka naman matulog dito dong habang nagluluto ako sa baba ah." hindi ko naman isasama sa pagluluto ang kama. Ano bang minamaktol nito ni Zeke?

"Sshh. Let's sleep." Mas lalong humigpit ang yakap ni Zeke sa bewang ko. Waaaaa. Wala naman sigurong lahing aswang si Zeke no? Huhuhuhu.

"D-dong" Kinakabahan na tawag ko sa kanya. Bukod kasi sa parang bata si Zeke, ang higpit nya pa yumakap. Ganto ba talaga sya kapag puyat?

"Wife, stop talking. And let's sleep first, please?" parang batang sagot nya, saka hinigpitan lalo ang yakap sa bewang ko.

"Waaaa dong! Nasasaktan na ako. Huhuhuhu" Reklamo ko sa kanya. Masakit naman talaga eh. Iniipit nya kaya ang tiyan ko *pout*

"Sorry, wife" sabi niya sakin tapos medyo niluwagan niya yung pagkakayakap.

Bumuntong hininga na lang ako, at saka ulit humiga kahit nawala na ang antok ko, mukhang hindi din naman ako papababain ni Zeke. Mag-aantay na lang muna ako saglit.



Vash's PoV

"Ano bang gagawin natin mga g*go? Tsk." Tanong k okay Lerwick at Lee habang sinusundan sila paakyat sa hagdan. Tsss. Mukha silang mga ninja na hindi mo malaman sa itsura nila ngayon. Ay hindi. Mukha silang akyat bahay gang.

"Namo Boul, hinaan mo yang boses mo baka marinig tayo ni boss." Sabi ni Lerwick sakin.

"Namo rin." Sagot ko lang sa kanya at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. Tarant*do talaga tong dalawang to. Tsk.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas-dos nap ala ng medaling araw at hindi kami natutulog. Itong dalawang gag*ong to kasi. Ang dai-daming alam sa buhay. Hindi pa rin bumabalik si Lampe hanggang ngayon. Buti na rin yun. Isa pang g*go yun eh.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon