Chapter 58 - Mafia War ( Part 1 )

2.4M 58.1K 56.4K
                                    

Chapter 58 (MHIAMB : Mafia War – Part 1 )

 

Kaizer's PoV

 

“Kaya mo bang tumakbo sa lagay mong yan?” Tumigil ako sa pag-nguya ng ubas na kinakain ko. Ampotek minamaliit ba ako nitong kapatid ko na ‘to? “Oo naman sis. Ano naman akala mo sa’ken? Sa gwapo kong ‘to? Sanay na sanay na akong habulin ng chiks.” Natatawa-tawang sabi ko.

“Awts!” Daing ko nung batukan nya ako. “Nakakatawa ka pa, tuluyan ko kayang baliin yang paa mo.” Ang hard talaga nitong ate ko sakin. Minsan tuloy naiisip ko kung kapatid nya ba talaga ko.

Lalo na pag tumitingin ako sa harap ng salamin. Napapa-iling na lang ako. Alam kong maganda ang kapatid kong si Meisha. Kaso nagdududa ako minsan. Walang katulad talaga ang ka-gwapuhan ko. Panong nagkaroon ako ng kapatid? Pfft. “Relax sis. Mas maganda ka kung kalmado ka lang”

 

Tinaasan nya lang ako ng kilay. “Psh” Ang sungit talaga ng mga babae.

 

"Ilang araw na din naming hinahanap si Ms. Aemie, dahil hindi namin alam kung anong nangyari." Natigilan ako sa pangungulit sa kapatid ko nung nagsalita si Cassandra. Nakatingin sya ng diretso kay boss

 

"DAMN!"

 

"Boss kalma! Nararamdaman ko namang ligtas si Aemie." Yan ang tinitibok ng poging instinct ko eh bakit ba. As usual, nakatanggap ako ng matatalim na tingin mula kay boss.

“Nakapag-eavesdrop ako sa kanila” Woooo! Saved by the beautiful gelpren of Bouldado. None other than Caileigh Ferrer.

“I’m not sure if I’m tama but I heard na they'll send Aemie-girl to one of our mansions.”

 

"Great! At least may idea na tayo. Ilan ba mansion ng mga Ferrer? Ako na hahanap" Sagot ni Lerwick. Yabang nitong pilantod na to. Kala mo kayang maglakad. Pfft.

Inaabangan ko kung ilan ang isasagot nya. "Around 50 I guess?"

 

Pfftt. "Sige Lerwick umpisahan mo na mag-hukay ng libingan." Ang dami nun wengya! Aanhin naman nila ang ganoon ka-daming mansion.

 

"G*go!"

 

"Labyu too! Ipaghuhukay na din ba kita para til death to us part?"

 

"Whoa! Wag ganyan pre! Wag mo masyado pahalata pagnanasa mo sa'kin."

 

"Tss. Tumigil na nga kayong dalawa" Singit ni Lee. "Baby lee. Come to papa Seb. Pfft" Nakarinig kaming lahat ng nag-kasa ng baril kaya hugong na lang ng aircon at pagpatak ng tubig sa CR ang tanging ingay na maririnig mo dito sa loob ng kwarto ni Boul.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon