Chapter 28 - Threats

3.9M 73.9K 139K
                                    

Chapter 28 ( MHIAMB : Threats )

 

 

-- Day 1 --

 

Aemie's PoV

 

Sabay kaming papasok ngayon ni Zeke sa opisina. Within a month kasi dapat ma-i-launch ko na yung Toy Industry. Ipinagpaalam na din naman ako ni Zeke sa school kaya okay lang na kumuha nalang ulit ako ng hand-outs. Tumingin muna ko kay Zeke na mukhang inip ng nakatayo sa tapat ng passenger's seat ng kotse.

"Get in"*gulp* Bigla akong kinabahan nung maalala ko yung nangyari nung huli kaming sumakay sa kotse ng kaming dalawa lang.

"What's the matter?" Tanong nya. Paano kung maulit yun tapos matuluyan na talaga si Zeke? Huwaaa natatakot ako lalo na hindi ko alam kung kaya ko pang ulitin yung pag-drive na ginawa ko. "Tss. Sasakay ka ba o maglalakad ka?" galit na tanong ni Zeke. "Baka kasi m-maulit ulit yung nangyari" Bigla naman nagbago ang expression ng mukha nya saka lumapit sa'kin. "I cannot promise you that it won't happen again. But I will protect you with the best that I can."

Ramdam ko ang yakap ni Zeke pagkatapos nyang sabihin yun at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nawala ang takot ko, at may kung ano pa akong naramdaman sa tyan ko. Gutom na naman ba ako?

Louie : "Pakiramdam mo ligtas ka lagi pag kasama mo sya. Tapos parang tumitigil ang oras"

Eh? Tumitigil ang oras? Bumitaw ako sa yakap ni Zeke at dali-daling kinuha ang kamay nya para tignan ang oras sa wrist watch na suot nya.

7:45AM "Huwaaaaa Zeke 7:45 na! 8AM ang meeting di ba?"

"Tss. Ang bagal mo kasi" Niloloko naman ako ni Louie! Hindi naman tumigil ang oras eh! Ayan nga oh! Hindi namin napansin na tanghali na

.

.

.

"Good Morning Mr. and Mrs. Roswell"

"Good Morning Sir/Ma’am"

Lahat ng madaanan namin bumabati ng ganyan. Medyo sanay na naman ako pero ang hindi ako sanay eh yung mga tingin nila sa kamay namin ni Zeke na magkahawak. Hala? Ngayon lang kaya sila nakakita ng magkaholding-hands?

 

Sa conference room na kami dumiretso ni Zeke dahil 8:30 na. 30 minutes na kaming late. "Good Morning Mr. and Mrs. Roswell kanina pa po naiinip ang board sa loob" Bati ni ateng secretary. "Baka pagalitan tayo ng board" bulong ko kay Zeke bago pumasok.

"Hayaan mo sila"

"Good Morning Mr. and Mrs. Roswell" Bati nila pero pansin na pansin ang mga iritang mukha ng iba. Ako naman nakakapit lang sa braso ni Zeke. Yung totoo kasi medyo natatakot talaga ako pagka ganito ang atmosphere dito sa conference room huhuhu. Naupo kaming dalawa sa pinaka-dulo ng mahabang conference table.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon