Chapter 50 - Launching ( Part 2 )

2.4M 58.1K 45.2K
                                    

Chapter 50 ( MHIAMB : Launching - Part 2 )

 

 

Kaizer’s PoV

 

Hindi ko na naabutan si Mr. Roswell, kahit anino nya hindi ko na mahagilap nung makalabas ako ng lugar. Nasaan na ba yung gag*ng yon? Babanatan ko pa yon dahil sa ginawa kay Kikiam eh. Amputs! Napakamot na lang ako ng ulo. Takte! Nahihilo pa din ako.

Sinulyapan ko ang relos na suot ko. Kanina wala talaga akong planong pumunta ng launching ng toy industry ni Ma’am Aemie. Trip ko sanang magrebelde. Pero napag-isip-isip ko na kulang sila kung wala ang gwapong ako.

Pwede ba namang mawala sa action ang gwapong si Kaizer Maxwell Lamperouge?

Tumalon ako sa sports car ko na nakaparada dito sa labas. Buti dinala ng mga panget na lalakeng kumuha sa’ken ang sasakyan ko dito. I smirked at saka ini-start na ang engine, heading my way on my pad. May oras pa akong magpa-pogi. Siguradong maraming chikababes sa party.

 

Sebastian's PoV

 

"Hey!" tawag ko sa kanya. Aish! Hanggang dito ba naman papahirapan nya ko?

I followed her. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya na mabilis naglalakad palayo. Madami nang tao maging dito sa labas ng Hotel, at siguradong pag nalingat ako mawawala na naman sya na parang bula.

"Baby!" I said, this time with a louder voice.

I smirked nung tumigil sya mula sa mabilis na paglalakad at saka humarap sa'ken. "What?!" pulang-pula ang mukha nya, don't know why. "You now then consider yourself being called by me as 'baby'?" kumunot ang noo nya sa sinabi ko kaya lumapit ako kay Shin wearing a playful smile.

"Stop" Pinigilan nya akong makalapit sa kanya. "Look Mister, I have important things to do." she said. "Kaya kung pwede lang, huwag mo kong guluhin?" she added.

Takte! Kailan ba sya tatablan ng charms ko? Napakamot ako ng ulo nung talikuran nya ako at naglakad palayo.

"Mr. Lerwick." ibinaling ko ang tingin ko sa waiter na lumapit sa akin. He gave me a glass of wine.

Shit! Si bossing!

Agad ko yun kinuha. "Thanks" pagpapasalamat ko sa waiter at saka inabot ang tip sa kanya.

Hawak-hawak ang glass of wine ay pumunta ako sa may pool side. Eto yung isa sa lugar na wala masyadong bisita. I traced the bottom of the glass using my hand. And as expected, may papel na naka-dikit sa ilalim. At nakakasiguro akong kay bossing ito galing. Sya lang naman ang gumagawa ng ganitong form of communication.

I felt a sudden nervousness, alam ko kasing ginagawa lang to ni boss pag medyo tagilid kami.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon