Chapter 48 - Assassin

2.4M 56.3K 38.7K
                                    

Chapter 48 (MHIAMB : Assassin )

 

 

Aemie's PoV

 

"Bakit Zeke?" Bakit nagso-sorry si Zeke?

Bigla namang may tanong na sumagi sa isipan ko. "May alam ka ba sa pagkamatay ni Moo at ni Shan?" tanong ko. Humigpit ang yakap sa’ken ni Zeke, nag-aantay ako ng isasagot nya, pero wala “Dong?” tawag ko sa kanya. Ang tahimik nya kasi masyado kaya baka nakatulog na sya sa balikat ko.

“Hmmm?” oh, hindi pa naman pala sya tulog eh “Bakit hindi mo sinagot yung tanong ko?” tanong ko ulit.

Mabilis ang tibok ng puso ko, may part sa akin na ayokong magtanong, pero gusto ko lang naman kasi makasiguro. “Alam ko naman Zeke na kahit Mafia Boss ka, hindi mo naman magagawa pumatay ng mga kaibigan ko diba?” humiwalay ako sa pagkaka-yakap naming dalawa at diretsong tumingin sa mga mata nya. “Kahit naman hindi pa tayo sobrang tagal magkakilala alam ko naman na mabait ka at---“

 

“What if I say yes, that I was the one who killed them?” tanong nya.

Tumungo ako at nag-isip. What if lang naman diba? “Pero hindi naman ikaw diba?” Bakit ganito yung nararamdaman ko? Nasasaktan ako kasi syempre mga kaibigan ko yung nawala sa’ken.

Hindi sinagot ni Zeke ang tanong ko.

He kissed me on the forehead. “Magpahinga ka na” utos ni Zeke ng may malumanay na boses, saka pinunasan ulit yung luha ko sa pisngi. Tumango ako at saka humiga.

Fauzia’s PoV

 

“Ano ba!” inalis ko ang mahigpit na pagkakahawak sa’ken ni Lee. And then I arched my right eyebrow. “Ano bang problema mo at kinaladkad mo ako palabas dito?”

 

He shrugged at isinuot ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng hoody jacket nya. “You need to unwind, puro na lang trabaho ang ginagawa mo, Miss guardian angel” What the heaven is he saying? “Ano bang alam at pakialam mo sa trabaho ko? And unwind? Tingin mo unwind ang tawag dito?”

 

He motioned his index finger to keep quiet. “Masyado kang maingay. Una sa lahat, may pakialam ako dahil trabaho kong manmanan ka. Pangalwa, oo alam ko mga kilos mo, pati paghinga mo kabisado ko na. Pangatlo, hindi ko gusto ang mga babaeng maiingay."

Tumaas ang kilay ko dahil sa mga sinabi nitong Lee na to. "Pssh. Oh really? News flash! I don't care!" Sarkastikong sabi ko. Surprisingly, hindi man lang sya nagalit or nainis. He just smiled. And I hate it! Damn! What's wrong with my heart?

At bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko?

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon