Chapter 47 - Our Happy Ending

149K 1.4K 66
                                    

Tanong: Last chapter na po ba ito? 

Sagot: Hindi pa po. Siguro ay may 2 pang chapters, tapos yung panghuling chapter ay ending na. 

Ayun, medyo short update lang kasi sabi ko nga ayaw ko na itong paabutin ng birthday ko. Saka padating din kasi ang tatay ko kaya magiging busy ako at paniguradong hindi ako makakapagsulat kapag andito siya, kasi hindi nila alam na nagsusulat ako <3 

Sana magustuhan niyo po, short and yet nakakakilig na chapter for me. Why? Kasi BASTA! HAHAHAHA

VOTE-COMMENT-BE A FAN <3 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 47 – Happy Ending

Gabbie’s POV

“Are you done baby?” rinig kong tanong sa akin ni Mom na kasama ko dito sa room kung saan kami naka-check in.

“Yes mom” sagot ko rito pagkatapos akong lagyan ng lipstick ng make-up artist na kinuha nila para sa kasal namin. Oo matapos ang dalawang linggo ay eto na nga, ikakasal na ako kay Mr. Casanova Lucas Alvarez. Simpleng wedding dress lang pinagawa namin ni Lucas, off-white ang color tapos tube siya taas at pa-balloon ang style niya sa baba na may bulaklak pa sa bandang itaas. Hindi ko na hinabaan yung veil at nagsuot ako ng guwantes para pumasok sa themg ng kasal na napili ko.Vintage ang theme kaya naman lahat ng andito ay vintage ang style ng damit. 

(A/N: Sorry guys. Hindi ako ganun kagaling pagdating sa pagddescribe ng isang bagay. So kung di niyo pa-picture out. Nasa gilid po ang picture)

Sila Alice, Natalia, at Raffie and bridesmaid ko tapos ay si Julia ang ginawa kong Maid of Honour. Samantalang si Leo naman ang Best man at sila David, Arthur, at Raphael and partner ng mga bridesmaid ko. Ang anak nila Raffie at Raphael ang Bible bearer at ang anak naman ang Ring Bearer. Samantalang yung mga flower girls ay mga pamangkin namin ni Lucas. Ang suot ng mga batang babae ay off-white dress na pang-ballerina ang style. Ang kanilang hairdress naman ay flower crown. Samantalang ang mga batang lalaki naman ay naka-americana. 

 

“Gabbie?” narinig ko ang boses ni Dad

The Sex Goddess and The Casanova Prince ♛ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon